Chapter 11: "Ama"

En başından başla
                                    

Huli kong naranasan yung ganun, bata pa ko... nung okay pa si Mama at Papa... nung hindi pa namin alam na may anak si Papa at na may kabit siya... okay kami. Okay ang lahat. Ayoko naman sisihin na si Kuya ang mali pero kasalanan ni Papa yun in the first place. Hindi ba siya naging ,Masaya kay Mama nun? Bakit kailangan pa nyang mambabae? Bakit?

~

Niyakap ko ang pinakamalaki kong unan at umiyak ako, As in, umiyak ng umiyak ng umiyak. Hindi ko na nga namalayan ang oras at ang gabi ng lumipas dahil sa pagdilat ng mata ko, maliawanag na ang buong kwarto ko at naririnig kong nagluluto si Kuya.

Umikot ako sa pagkakadapa ko at tinitigan ko ang kisame, wala lang, natulala lang ako then naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Tumatawag si Christian, as much as gusto ko siyang sagutin, wala akong lakas para makipagusap kahit kanino muna, lalo pa’t sa pinakita ko kagabi. Alam ko hindi alam nila Beth, Pete, Jake at ni Christian ang ugali kong ganun or yung side ko when it comes to family. Yeah I told stories about it but never ko inexpect na makikita nila ang malaking diskusyon na ganun.

Hindi naman sa nahihiya ako pero feeling ko na dapat hindi na nila nakita yun. Sinira ko ang gabi nila.

“Chloe,” katok ni Kuya sa may pinto “...papasok na ko ha? Nagluto na ko ng makakain mo.”

Wala kong lakas para sumagot. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtitig sa kisame na kala mo lalabas na nakasulat sa itaas ang lahat ng sagot sa mga tanong ko.

Nang marinig kong umalis na si Kuya, dun ko sinubukang tumayo at maligo kagad. Wala naman akong balak pumsok, wala akong mukhang ihaharap kela Beth, tutal naman wala namang major na gagawin sa school.

After maligo, kinain ko yung niluto ni Kuya para sa’kin at nang kukuha ako ng maiinom sa ref, nakita ko yung box ng cake ko na nandun. Kinuha ko yung box at pinatong sa counter top at pagtingin ko sa loob, andun pa rin yung cake, buong-buo, walang bawas. Dun ko lang narealize na hindi pala ako nakapagblow ng candle kagabi, nakabalot pa nga yung number 20 na kandila.

“Well... as usual.” Bulong ko.

Tinanggal ko sa pagkakabalot yung candle at nilagay ko sa ibabaw ng cake. Kinuha ko yung posporo sa cabinet at sinindihan ito pareho. Dahan-dahan kong dinala yung cake sa may dining table habang kinakantahan ko ang sarili ko ng happy birthday.

Nakatitig ako ng maigi sa ilaw ng mga kandila habang kumakantang magisa. Naisipan ko na lang tumigil sa pagkanta nang maluha na ko sa sobrang... sa sobrang sakit. Sakit because of the fact na, like the usual ako magisa ng magblow ako ng birthday cake ko. At sa pag hipan ko, dun bigla bumalik sa’kin ang memory ng last time na naging Masaya ako sa birthday ko.

Nung huli ko nakitang tumawa si Mama t Papa ay nung 9th birthday ko...

Hay...

~

After ko iligpit ang cake at pinagkainan ko, biglang nagring ang telephone namin. Dahil nga wala ako sa mood makipagusap, hinayaan ko lang magring ito. Dapat papasok na ko sa kwarto ko ulit para magmukmok nang biglang pumunta sa voice message ang tawag.

Beep...

“Anak...Si Papa mo ‘to... ahm... alam ko nandiyan ka at ayaw mo kong makausap pero sana... pag bigyan mo ko na makausap ka. Alam ko marami kaming naging kasalanan ng mama mo sa’yo at... at naiintindihan namin ba’t ka ganyan. Ahm... call me back if ready ka nang makipagusap. bye”

Tinitigan ko ang telephone, inisip ko kung sapat na ba ang tawag na ‘yun para sagutin ko siya o kausapin. Pero hindi... hindi pa ko handa.

Then bigla namang may nagdoorbell, nakasimangot ako ng sinagot ko ang pinto.

Dear DiaryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin