TMAFK#3

29.8K 613 32
                                    

Dominic's pov.

"You can sit next to your girlfriend." Utos ng teacher matapos kong magrequest na dito sa section ni Adriana i-enroll.

"Ayieee!"

"Hope all!"

"Haba ng hair mo Adriana." Nagkaingay na ang mga kaklase ng babaeng kanina ko pa hinahanap matapos akong takbuhan.

"Hi babe!" Bati ko kay Adriana para maasar ito. Nalaman ko ang kanyang pangalan with the help of my attorney. Matapos kumalat ang litrato sa social media ay pinahanap ko rin agad ang babaeng humalik sa akin. And I'm glad na dito siya nag-aaral sa SEU.

"Why are you here?"

"I want to be with you. From now on kaklase mo na ako." Ilalagay ko na sana ang aking gamit sa bangko nang humarang ito. "Okupado na ito. Sa iba ka na lang maupo."

"I'm comfortable with you. Bakit kailangan ko pang lumayo sa'yo?" Naglikyawan ang mga kaklase ko dahil sa ginawa kong pampapakilig.

"Sorry, I already have a seatmate." Masungit niyang sambit para mapangiti ako. She's cute lalo na kapag kumukunot ang noo. "Where?"

"Si Maxine," at tinuro niya ang kanyang kaibigan na tumabi kay Airon. Airon Kyle Dela Cruz was my friend na kasama ko mag-aral sa Canada.

"You can sit beside my friend. Dito na lang ako kay Airon ko." Utos ng Maxine na tila type ang kaibigan ko.

"Daming upuan sa likod bakit dito pa." Reklamo niya nang maupo ako.

"Hindi ako sanay na wala ka, Adriana." Kinindatan ko ito ngunit inisnaban lang ako. She's not easy to get kaya mukhang mahihirapan akong kumbinsihin ito.

"Why are you late, Mr. Ferrer?" Napalingon ako sa labas nang makita ko ang ex ng babaeng humalik sa akin.

"I apologize, Ma'am. Hinatid ko lang po ang girlfriend ko." Napansin kong nakatitig si Adriana sa lalaki kaya tinakluban ko ang mga mata nito.

"Huwag katitig!"

"Ano ba?"

"I'm jealous. Ako ang nasa tabi mo pero iba ang tinitingin mo." Pagtatampo ko kunwari ngunit ngumisi lang ito na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Baliw ka na!" Inis nitong sambit dahilan para mapunta sa amin ang atensyon ng lahat.

"Miss Chavez, may problema ba?" Tanong ni Ma'am Alexandrea dahilan para mahiya itong katabi ko.

"She just missed me. Sorry Miss! Ako na ang humingi ng paumanhin sa pagiging ma-attitude ng girlfriend ko."

Buong oras ko lang siyang pinagmasdan hanggang matapos ang klase.

"See you tomorrow, babe." Biro ko kay Adriana habang palabas na ito.

"Can you please stop calling me babe. Hindi ka na nakakatuwa."

"E ano, love ba dapat?" Napangiti ako nang asarin din ito ng kanyang barkada.

"Shut up boy! I'm not interested in you." Inis nitong sambit at umalis na sa harap ko kasama ang barkada.

"Wala ka nang magagawa interesado na ako sa'yo." Bulong ko at tinungo na ang office ni Chairman Sy.

"Kilala niyo ba si Adriana Chavez 'yung section wisdom?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ni Adriana habang pinag-uusapan ng grupo ng kababaehan.

"Oo 'yung malanding si Adriana.''

Ito ba ang rason ni Adriana kung bakit lagi siyang lumalayo sa akin. She was afraid of hurtful words from my fans.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon