Chapter 29 part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Emer ng marinig ang sinabi ni Dennis. Namalayan na lamang niya na nakatayo na ito sa harap niya. 

"Bakit kasi hindi mo na lang amin na attarcted ka sa akin." hinawakan ni Dennis ang baba ni Emer para magpantay ang paningin nila. 

Masyadong naiilang si Emer sa ayos nila kaya tinabig niya ang kamay nito para mapagtakpan din ang kabang nararamdaman niya.

"Pwede ba umuwi ka na wala akong oras makipaglokohan sayo." akmang tatalikod si Emer ng hinaklit ni Dennis ang baywang niya kaya nawalan sya ng balanse at nasubsob sya sa malapad na dibdib nito. 

Sinamantala naman ni Dennis ang pagkakataon maagap niya niyakap.

"Bitiwan mo nga ako!" pilit na binabaklas ni Emer ang mga braso na nakayakap sa kanya.

Nang maramdaman ni Dennis na nagpupumiglas si Emer ay lalo pa niyang pinagdikit ang katawan nila. "Nararamdaman mo ba ang ginagawa mo sa akin ngayon?" bulong ni Dennis kay Emer sabay sabay hawak sa mukha ni Emer.

Hindi na nakatiis si Dennis ng mapatingin sya sa mamula mulang mga labi ni Emer, agad niyang nilamukos ito ng halik. 

Napasinghap si Emer ng maramdaman ang paglalapat ng mga labi nila. 

Pilit na kinokontrol ni Emer ang sarili na hindi madala sa kapusukan ni Dennis at ng makakuha sya ng pagkakataon ay itinulak niya ang binata.

“Alam mo hindi ka na nakakatuwa, I didn’t give you rights to kiss me.” Mataray na sita ni Emer kay Dennis.

“I just want to remind you lady that in a few weeks you’ll be my wife.” Taas noon na sagot ni Dennis.

 

“Pwede ba  umalis ka na. I’m tired and I don’t want to argue with you this time.” Itinuro pa ni Emer ang pintuan.

“I won’t leave you unless ipapaliwanag mo ngayon sa akin kung bakit nagpunta ka kanina sa dinner kahit hindi kita pinayagan?” umupo pa ito sa sofa habang naghihintay sa paliwanag ni Emer.

 

“Dennis you can’t dictate me,  gagawin ko ang mga bagay na gusto ko.” Tumaas na naman ang boses ni Emer.

“Ah ganun!” nanggigil na si Dennis sa katigasan ng ulo ni Emer. “Hwag ka ring magrereklamo sa mga gagawin ko.”

 

 

Talagang sumasakit na ang ulo ni Emer ng mga oras na yun.  “We’ll just talk tomorrow please.” Nakikiusap na ang tinig ni Emer.

“Wala na tayong dapat pang pag-usapan Emerald. Just be prepared for our coming wedding.” Mabilis na tumalikod si Dennis.

Napapailing na lang si Emer  habang pinapanood si Dennis palabas ng main door.

“Anak , sino yung lalaking yun?” tanong ni Eliza.

“M-Ma-ma?” gulat na gulat si Emer.

“Aren’t you going to hug me? I miss my princess.” Nakabuka ang dalawang kamay ni Eliza habang nagsasalita.

Mablis na lumapit si Emer sa ina at niyakap ito ng mahigpit. Parang nakakita siya ng kakampi ng mga sandaling yun.

“Mama I missed you.” Hindi na niya napigilan ang mga luha.

“Why are you crying? Kung kalian ka tumanda, naging iyakin ka.” Nakangiting sabi ng Mama niya habang pinupunasan nito ang mga luha niya.

Inalalayan pa ni Eliza ang anak na makaupo sa pandalawahang sofa na nasa sala.

“Mama, paano mo nalaman kung nasaan ako?” nagtatakang tanong sa ina.

“Hija, napakaliit lang ng Pilipinas para hindi ka namin mahanap.” Sabi ng ginang habang hinahaplos ang kanyang ulo.

Nginitian na lamang ni Emer ang ina pero ang totoo ay magsisimula na naman siyang kabahan. Natatakot sya na malaman ng mga magulang ang kalokohang pinasok niya.

“Bakit biglang tumahimik ang anak ko? Ayaw mo ban a nandito ako?” sunud – sunod na tanong ni Eliza ng mapansin ang pananahimik ng anak.

_______________________________

A.N.

Pagpasensiyahan nyo po ang UD ko for today medyo busy lang po ^ ^

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon