"Tumigil na kayong dalawa." Pumagitna na si Kristoff na tila natatakot na baka magkasakitan kami ng kanyang bagong girlfriend.

"Paano ako titigil, Kristoff? If your ex was in front of us."

Kristoff, please comeback. Handa pa rin kitang patawarin kahit anong kasalanan mo sa akin.

"Adriana, please leave us alone. Wala na tayo para magpakita ka pa sa akin."

Ang sakit sa part na pinagtatabuyan ka ng taong mahal mo. Hindi ba niya naisip ang mga paghihirap noong kami pa. Matalino akong tao pero bakit nagiging bobo ako pagdating sa kanya.

"Please, don't show us anymore. Maghanap ka na lang ng lalaking lalandiin mo if ever na mayroon pang magkakagusto sa'yo." Matatay na sambit ni Bell habang nakayakap sa braso ng Ex ko.

"Don't worry, I have a boyfriend. Hindi ko na kailangan lumandi gaya ng ginawa mo." Pagsisinungaling ko upang hindi magmukhang kawawa sa harap nila.

"Really, kailan pa?" Tanong ni Kristoff habang hindi makapaniwala. Kapag ba sinabi kong wala, babalikan mo ako?

"Yes Kristoff, matagal na." Alam kong hindi ito maniniwala sa akin dahil alam niya kung gaano ko siya kamahal.

"Liar! Walang magkakagusto sa'yo. Alam kong mahal mo pa ang boyfriend ko. Pinagseselos mo lang pero never ka niyang babalikan." Singit ni Bell.

Alam ko masama ang magsinungaling ngunit ginawa ko lang ito baka sakaling bumalik siya.

"Totoo ang sinasabi ko, Bell. Kung si Kristoff nga mabilis makahanap ng iba ako pa kaya?" Sana makatulong ito upang mabawi ko ang lalaking pinahalagahan ko.

"Hoy bruha, nagsisinungaling ka. Hindi mo mapagseselos ang boyfriend ko dahil ako ang mahal nito." Pagmamatigas ni Bell.

Mahal ka niya dahil nilandi mo habang kami pa. Ganyan naman talaga ang mga lalaki ngayon kapag nakakakita ng iba mahal na agad kahit na may ka relasyon pa itong iba.

"Maniwala man kayo o hindi ay wala na akong paki." At dahan dahan na akong umaatras para makatalas sa kanila.

"Where's your boyfriend?" Tanong ni Kristoff habang pinipigilan akong maka alis.

"Wala siya rito," palusot ko.

"Love, wala talaga 'yang boyfriend. Pinapasakay lang tayo sa kasinungaling niya." Daig pa niya ang tuko kung makakapit sa braso ng Ex ko.

"Asan na?"

Bakit ba ito ang naisip kong paraan para pagselosin si Kristoff. Iyan tuloy makakagawa pa yata ako ng kahihiyan. Wala na akong choice kundi hablutin ang isang estrangherong lalaki papunta sa direksyon ko.

"Is that your boyfriend? Ang gwapo naman para magustuhan ka." Hindi makapaniwalang tanong ni Belle dahilan para mapalingon ako sa lalaki.

"Ay hindi siya—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang magsalita 'yung lalaking hinablot ko. "Yes, I am her boyfriend."

Itatanggi ko na sana nang ma-realize ko na ito pala 'yung bastos na lalaki sa loob ng McDo kanina.

"Oy hindi—"

"Babe, I've been looking for you. Nandito ka lang pala." Hindi ko alam kung anong naisip ng lalaking 'to para sumakay sa pagsisinungaling ko.

"OMG!"

"Is that true? Taken na siya." Napalingon ako sa paligid nang magkaingay ang mga kababaehan na tila mas nagulat pa kesa sa Ex ko.

"Sumakay ka na lang kung ayaw mong mapahiya tayong dalawa." Bulong ng lalaki at nagawa pang umakbay sa'kin.

They Met At First KissOnde as histórias ganham vida. Descobre agora