Wakas

2.4K 70 11
                                    

Wakas

Mabilis namuo ng luha sa mga mata ko, kasabay ng pag kabog ng dibdib ko, habang nilalandas ko ang pulang carpet papunta sakanya. Humigpit ang pag hawak ko sa braso ni papa at kuya na ngayon ay naka-alalay sa pag lalakad ko.

"Feeling nervous?"

Nilingon ko ang nakangising si kuya William sa tabi ko.

"Sobra" I bite my lower lip

"You're the most beautiful bride I've ever seen" Parang biglang hinaplos ang puso ko sa sinabi nya

And I am the happiest bride ever, dahil ang pinaka gwapo kong papa at kuya ang katabi ko sa mga oras na'to. Sa lahat ng nanyare, sa lahat ng hirap, sa lahat ng sakit. Honestly, never kong naisip na dadating pa sa punto na silang dalawa pa ang mag hahatid sakin sa altar.

Nakita ko ang pag tapik ni Paolo sa balikat nang naka kagat labi na si Prixon. Bakas ang kaba sa ekspresyon nya, habang panay ang ayos nya sa kanyang black necktie. Mabilis namuo ang luha sa mga mata ko ng yakapin sya ni daddy at tapikin nito ang likuran nya.

"Treat her well, okay?" Si daddy

"Yes, tito-"

"No, call me dad"

Ngumisi si Prixon "Okay, d-dad"

Pag kasabi nyang yon ay nag baling na sya ng tingin sa kay kuya William at agad nyang tinanggap ang kamay nitong nakalahad sakanya.

"Ikaw ng bahala sa Prinsesa namin, wag mo syang sasaktan, kundi-"

"Kuya!" Kinurot ko agad ang braso nya

"Aray-"

"Don't worry, I will never hurt her. So, pwede ko na bang hiramin ang kamay ng future wife ko, kuya?"

Nakita ko ang pag bagsak ng balikat ni kuya. Ngumisi ako, mukhang di nya inaasahan yung pag tawag ni Prixon sakanya ng kuya. Tinanggap ko ang nakalahad na kamay ni Prixon sa harapan ko. Mabilis kumawala ang luha na kanina pa naipon sa mga mata ko.

"Hey!" Bulong nya gamit ang malambing nyang tono ng makarating na kami sa altar "Stop it, naiiyak na rin tuloy ako"

Tinignan ko ang mga mata nya na ngayon ay pulang-pula na rin. I really loved this man so much! Kahit ako nagugulat sa sarili ko kung pano ko sya minahal ng sobra. I'm so blessed na sya ang lalaking kasama ko ngayon dito sa altar. Panay na ang pag iyak ko, habang nag papalitan na kami ng message at wedding ring. Naramdaman ko ang pag punas nya ng luha sa mga mata ko.

"Hay, ang swerte ko naman talaga" buntong hininga nya "Ang swerte ko, dahil yung babaeng first love ko, at yung babaeng minahal ko ng sobra ay sya din pala ang destiny ko. Ang swerte ko dahil minahal mo pa din ako at tinanggap mo pa din ako sakabila ng lahat ng nanyare satin. I'm lucky to be your man, but I am the luckiest to be your husband" nanginig ang boses nya kasabay ng pag kawala ng luha sa mga mata nya "You don't have any idea how much I loved you. I promise, I will do anything to protect you, I will do anything for making you the happiest wife on earth. I LOVE YOU SO MUCH, WINCESS JANE ALCANTARA"

My Brother's EnemyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora