Kabanata 40

1.5K 42 0
                                    

WARNING!


RATED SPG: Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kelangan.
.
.
.
.
.
Hahaha! Medyo lang naman. Sorry po. :)
.
.
.
.
___________________________________

Kabanata 40
Turning me on

Masyado yata akong inspired ngayon. Kahit kase hindi ako magaling sa pag ba-bake ay nagawan ko pa din ng brownies si Prixon. Excited na kong ibigay sakanya to. Mag kikita kami ngayon para sa check-up ko sa O.B. 4 months and 2 weeks na yung tiyan ko. Medyo nakikita ko na ang pag laki nito. Pero hindi naman to masyadong halata pag nasa school ako dahil sa uniform namin na medyo loose. Sinabi ko sakanya na mag kita na lang kami sa coffee shop malapit sa subdivision namin, hindi pwdeng sa loob ng subdivision pa nya ko sunduin baka mahuli pa kami ni kuya.

Napangisi ako ng makita ang pag tawag nya sa cellphone ko.

Call from Prixon Evans...

Bahagya pa kong umubo bago ko yon sagutin para iayos ang boses ko.

“Hello?” malambing kong sabi

“Andito na ko sa labas ng coffee shop”

Lumaki lalo ang ngisi ko at napatango-tango pa ko sa excitement kahit alam kong hindi naman nya ko nakikita. Isang simple dress ang suot ko. Kulay black ang dress na pinili kong isuot at hindi to masyadong fit para hindi masyadong mahalata ang tiyan ko. Bumaba sya sa kotse nya. Uminit ang pisngi ko ng pasadahan nya ng tingin ang buong katawan ko.

“B-bakit? May problema-”

“You looked so damn pretty! Na i-in love tuloy ako lalo sayo” humalakhak pa sya

“Shut up!” kinikilig ako!

Pag kasabi kong yon ay pinagbuksan na nya ko ng pintuan sa front seat. Pag katapos ay dumaan na din sya sa harap ng kotse para umikot papunta sa driver's seat. Nakangiti kong iniabot ang brownies sakanya ng makaupo na sya. Hindi ko na kase mahintay na maibigay sakanya to.

“Brownies?” nanlaki pa ang mata nya

“Oo. Ako nag bake nito para sayo”

Ngumisi ako at nakita ko din ang pag laki ng ngisi nya. Kulang na lang yakapin nya ang brownies sa tuwa. Nagulat pa ko ng mabilisang dumampi ang labi nya sa labi ko.

“Thank you asawa ko! Sobrang saya ko”

Humalakhak ako “OA naman nito! Tara na nga”

“I love you!”

Natigilan ako sa biglang sabi nya. Sh*t! Napaka sarap talaga pakinggan ng ‘I love you’ nya!

“I love you too” malambing kong sabi

Ngumisi sya at siniil pa ulit ako ng isang halik bago nya tuluyang paandarin ang sasakyan nya. Langya! Masyado yata akong nabibitin sa mga halik nya. Kainis!

“Healthy naman si baby pero...” pumungay ang mga mata ni doc “Tulad pa din ng dati... h-hindi masyadong makapit ang bata. Kaya ipag patuloy mo lang ang pag inom ng nireseta ko sayo at syempre kelangan umiwas ka sa kahit anong stress”

My Brother's EnemyOn viuen les histories. Descobreix ara