Kabanata 48

1.3K 37 0
                                    

Kabanata 48
Cheers

Naging mabilis talaga ang pag lipas ng panahon. Next week kase enrollment na ulit namin para sa first sem. 3rd year college na kami sa pasukan. Hindi ko alam kung paano ko na kayang wala sya, sa mahigit isang taon na yon. Siguro nga dahil hindi naman talaga sya mentally na wala sakin. Halos lahat na lang kase ng mga bagay o lugar na nakikita ko ay nag papaalala sakanya. Kainis nga eh. Kase pati yung mga ginagawa ni Franco para sakin, sya pa din ang naaalala ko.

I'm badly missed him.

Busy ako sa pag hahanap ng damit na isusuot ko ngayong araw. Ngayon kase ang birthday ni Paolo, at sa club 87 kami mag ce-celebrate ng birthday nya. Kasama syempre ang mga barkada nya at kami na barkada ng girlfriend nyang si Janelle. Maliligo na sana ako ng marinig ko ang pag tunog ng cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha para tignan. Bumungad agad sakin ang '1 new message' galing kay Paolo. Kumunot ang noo ko at napaisip kung bakit sya nag text saka ko ito ni-click para basahin ang message nya.


Paolo:

He's back.

Halos maisubsob ko ang mukha ko sa screen ng cellphone ko ng mabasa ko ang message na yon ni Paolo. Kumalabog ng sobrang lakas ang dibdib. Hindi agad nag sink in sakin ang two words na yon. Pakiramdam ko para akong na nanaginip. Nanginginig ang mga kamay kong nireplyan sya.

Ako:

Really? Kelan pa?

Almost 10 minutes na pero wala pa din reply si Paolo. Halos maikot ko na ang buong kwarto ko sa sobrang inip sa pag hihintay ng reply nya. Shocks! Bakit ako kinakabahan ng ganito?

Muntik ko ng maibalibag ang cellphone ko ng sa wakas ay mag reply na sya.

Paolo:

Kagabi daw sya nakauwi dito. Kagagaling lang nya dito sa bahay nung nag text ako sayo.

Mabilis pumatak ang luha sa mga mata ko. Finally, he's back. Posible na hanggang ngayon ay galit pa sya sakin, pero okay lang. Basta gusto ko lang syang makita kahit sa malayo lang.


Ako:

How is he?

Poalo:

He looked so good. By the way. Sinabi nya na pupunta sya mamaya sa celebration ko. Is that okay to you?

Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nya. Kung pupunta din sya, siguradong mag kikita na kami don. Pero... Ready na kaya sya? Ready na ba ko?

Kinagat ko ang labi ko at nag reply ako sakanya.

Ako:

Of course! He's your friend. Dapat lang na nasa celebration mo sya. Pero sakanya ba okay lang na andun ako? Kase kung hindi pwde naman akong mag give way.

Paolo:

You don't have to give way, Wincess. Nasabi ko na sakanya na andun ka din mamaya at sinabi nya na okay lang sakanya.

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now