Kabanata 34

1.4K 41 0
                                    


Kabanata 34
I Love you


"Practice namin ng sayaw"


Practice? Oh. Damn this sh*t! Dumapo agad ang palad ko sa noo ko. Oo nga pala! First day ng practice namin ngayon sa banda! Nyeta! Bakit ko ba nakalimutan yon!?


Nagising ako sa sariling diwa ng guluhin ni kuya ang buhok ko.


"Oh. Anong problema?"

"Hindi mo na pala ko kelangan ihatid" biglang sabi ko

"Ha? Bakit? May lakad ka?"

"Practice din pala namin ng banda ko ngayon. Nakalimutan ko. Kainis!"

"Ulyanin ka na talaga. San ba practice nyo ihahatid na kita?"

"Hindi na. Sa music room lang naman kami. Sige alis na muna ko" sabay beso sakanya

"Take care baby! Just text me if you're done, okay?" sigaw nya habang tumatakbo ako

"Okay, I will!" kumaway pa ko sakanila


Tinignan ko agad ang relos na suot ko habang tumatakbo pa din ako papunta sa music room. Damn it! First practice at first meet ko sa mga ka-banda ko tapos late na agad ako ng almost 30 mins? Mother f*cker sh*t!

Bumagal ang pag lalakad ko ng malapit na ko sa music room. Nag simula ng kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Pinunasan ko agad ang pawis ko sa mukha at bahagyang iniayos ang sarili ko. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.


"I'm sorry. I'm late"

Bumungad agad sakin ang tatlong lalaki doon. Uminit ang pisngi ko ng mapahinto silang lahat sa ginagawa nila at mapatitig sakin kaya napayuko agad ako.

"Wincess?"

Tumindig ang balahibo ko dahil sa malambing na boses na yon, iniangat ko ang ulo ko at nilingon sya. Laglag ang panga ko ng makita ang lalaking ito na nakangisi sakin.

"R-Raiko?"

"Mag kakilala kayo? Sya ba ang magiging guitarist natin?" tanong naman ng isa sa mga ito na mukhang may kasungitan. Sa tingin ko sya ang vocalist

"Oo. Mag kakilala kami"


Nanginginig ang tuhod kong lumapit sakanila.


"H-hi. I'm Wincess Jane Alcantara. Ako pala yung magiging guitarist nyo"

"Wow! Astig! Babae ang guitarist natin?" sabi naman ng isa. Sya yata yung drummer "Hi. I'm Vince" sabay lahad pa nya ng kamay nya


Mabilis ko naman tinanggap ang kamay nya.

Halos one week na simula nung mag audition ako sa banda na'to na 'SE BAND'. Di ko naman expected na matatanggap ako kase nga babae ako. Lahat ng posisyon sa banda nag karoon talaga ng audition para mabuo kaming lahat. Binuo kami mismo ng university namin para maging performer sa mga school event tulad nga ng School Festival. Ang alam ko first meet naming lahat 'to pero bakit parang close na silang tatlo?


"Sa tingin mo ba kaya mo talagang sumabay sa banda?"

Nabigla ako sa tanong na yon ng vocalist. Ni hindi pa nga sya nag papakilala sakin nag susungit na agad sya? Tse.


"O-oo. Syempre naman"

"Eh. Bakit sa oras pa lang ng practice hindi ka na agad nakasabay?"

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now