Kabanata 56

1.8K 32 0
                                    

Kabanata 56
Stupid pride

Pinilit kong kumalas pero masyado talaga syang malakas, masyadong mahigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Prixon, ano ba? Let me go! Nasasaktan ako-"

Nahinto ako ng tumigil sya sa pag lalakad. Nag simula ng kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Nanigas ako ng maaninag ko ang madilim nyang mukha.

What the heck!

"Damn it, Wincess! Kung may nasasaktan dito, ako yon! Ako lang! Ako lang yon!" sigaw nya sakin

What? Seriously? Sya pa talaga ang nasasaktan? Bakit? Bakit sya? Diba dapat ako? Ako dapat! kase ako nga tong nag makaawa na bumalik sya sakin diba? But f*ck! He rejected me. He choose Pia over me. Leche! Tapos ngayon nag papaka possessive sya!?

Damn! I swear. Parang pinupunit ang puso ko ngayon. Kinagat ko agad ang labi kong nanginginig na sa galit. Tumalim ang tingin ko sakanya. Pinilit ko ulit bawiin ang kamay ko, nang hina siguro sya kaya nabawi ko din ito agad. Mabilis kong pinunasan ang luha ko bago ako mag salita.

"Tama na! Pwde ba Prixon! Bumalik ka na lang sa party mo! Bumalik ka na sa girlfriend mo! Bumalik ka na lang kay Pia!" halos mamaos na ko sa pag sigaw

Langya! Hindi ko mapigilan ngayon ang galit ko. Nanginginig ako ngayon sa galit! Gusto ko syang sumbatan ng sumbatan dahil sa pag reject nya sakin. Sh*t!

"So, here you are again" matabang nyang sabi "Tinataboy mo na naman ako. Bakit? Dahil may iba ka na? Dahil may Tyrone ka na!?" nabasag ang boses nya sa huling pangungusap

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Pakiramdam ko onti-onti ng gumuguho ang ilang parte ng puso ko ngayon. Hindi na ako naka imik. Hindi dahil sa totoo yon at guilty ako kundi dahil hindi ako makapaniwalang masasabi nya yon sakin. Punyeta! Hindi ko matatanggap ang mga sinasabi nya ngayon.

"Bakit? Mas masarap ba syang humalik ha!?"

*Pak!*

Parang nag karoon ng sariling buhay ang kamay ko at kusa itong dumapo sa pisngi nya. Nakita kong natigilan sya sa ginawa ko, bakas ang mas lalong pag dilim ng mukha nya. Nanginginig ang buong kalamnam ko ngayon sa galit.

"Tangna, Prixon! Napaka walangya mo!" sigaw ko sakanya kahit nanginginig ang boses ko

Panay na ang pag hikbi ko. Sumikip ang dibdib ko. Literal na kong hindi makahinga ngayon. Nanigas ako ng bigla nyang hawakan ng mahigpit ang dalawang balikat ko.

"I'll make you decide!"

Tumindig ang balahibo ko ng lumipat ang isang kamay nya sa batok ko at bigla nyang halikan ang labi ko. Malalim at may kasamang gigil na halik. Pinilit kong mag pumiglas pero masyado syang malakas. Idiniin pa nya lalo sakin ang mukha nya. Iba ang halik nyang to. Punong-puno ng gigil at galit. Nakaramdam ako ng sobrang takot. Natanggalan yata ng tornilyo ang tuhod ko at feeling ko, anytime ay bibigay na to. Pumihit ako para iiwas ang mukha ko sakanya. Nabigla ako ng gumapang ang halik nya sa leeg ko.

My Brother's EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon