Kabanata 10

1.7K 40 0
                                    

Kabanata 10
Let's dance




-Prixon's POV-


Nakaalis na si Wincess, napatingin ako sa sahig isang necklace ang agad umagaw sa pansin ko doon. Napakunot ang noo ko saka ko mariing tinitigan ang necklace. Yumuko ako at kinuha ito.



"Ano yan?" tanong agad ni Paolo ng mapansin nyang pinulot ako

"Necklace" tamad kong sagot

"Nino?"

"Baka kay Wincess?"

"Huh? Panong naging kay Wincess yan?"



Nag kibit balikat lang ako sakanya at pinakita ko ang necklace. 'W' kase ang nakalagay sa pendant nito kaya malamang sakanya nga talaga to.



"Tara isoli natin sakanya" biglang sambit ni Paolo

Napangiwi ako "Ayoko nga! Kung gusto mo ikaw na lang"

"Ikaw na. Tutal ikaw naman nakapulot, eh!"

Tumaas ang isang kilay ko "No way!"



Iritado ko syang iniwan, naramdaman ko ang pag sunod nya sakin, kaya hindi ko na sya nilingon pa. Nag desisyon akong pumila na lang sa cater para makakuha ng pag kain. Ngumuso si Paolo sakin na parang may tinuturo sya sa dance floor,  habang pabalik na kami sa table.



Kumunot ang noo ko nang matanaw ko si Wincess na may kasayaw roon sa bandang gilid ng circle, halos ilang hakbang lang ang layo mula samin. Boyfriend nya kaya yung lalaking yun? MALAMANG PRIXON! Ano naman pake mo ngayon?


Nakaramdam ako bigla ng pag kairita, ewan ko kung bakit. Nawala tuloy ako bigla sa mood. Naupo na kami ni Paolo sa tatble namin. Naging rock na ang sound kaya mas umingay sa dance floor. Napa-tingin ulit ako pwesto nila Wincess. Naka tayo lang silang dalawa ng 'boyfriend' nya habang nag uusap. Lumiit ang mga mata ko at nabuo ang tanong sa isip ko ng umalis na lang bigla ang lalaki at iniwan nyang mag isa roon. Ngumisi ako at napailing. She's quietly alone on the dance floor. Nag away ba sila ng boyfriend nya? At bakit ba curious ako? Sh*t! I don't care anyways!




"What are you looking at?"



Halos mapatalon ako sa tanong na yon ni Paolo kaya nilingon ko sya. Nakatingin na din sya roon. F*CK! Sh*t! Nahuli ba nyang nakatingin ako kay Wincess?


Pinag pawisan ako ng malamig ng harapin ako ni Paolo at ngumisi sya sakin. Isang nakakalokong ngisi. Mukang alam ko na ang nasa isip nya.



Mahina nyang tinapik ang balikat ko, naka-ngising aso pa din ang siraulo "Puntahan mo na. Nang maisoli mo na din yang necklace nya"

Kumunot ang noo ko "Ayoko nga!"

"Wag ka ng mahiya" nagulat ako ng bahagya nya kong itulak

"Ano ba?!" iritado na ko


Itinulak nya pa ulit ang likuran ko, hanggang makarating kami sa dance floor. Hinarap ko at tilulak ko rin pabalik, kaya ang ending ay nag katulakan na kami. Natigilan ako, nang may mabangga ako.



"S-sorry-"



Namutla ako ng makita ang madilim na mukha ni Wincess.


Sh*t!

 

Nag katinginan kami. Wala ni isa ang kumibo samin, basta nakatingin lang kami sa mata ng isa't-isa. Naramdaman ko ang dahan-dahang pag hakbang ni Paolo palayo samin, kaya mabilis akong pumihit para lingunin sya.


My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now