Kabanata 13

1.6K 34 0
                                    

Kabanata 13
Wincess Jane Alcantara

Wala akong balak na ipaalam pa kela mama ang 2 days suspension ko maha-high blood lang yon lalo sakin kaya 4 pm pa lang ay gumayak na ko para maka-alis na agad ako ng bahay namin bago makauwi sila mama. 5pm to 9pm kase ang alam nilang pasok ko ngayon. Sakto! Mag ba-bar ako mag papalipas ng oras mag-isa. Hindi kase pwde si Paolo ngayon, ang g*go kase kung bakit ba naman pinaalam pa sa mama nya yung suspension nya kaya 2 days din syang grounded sa bahay nila. Kulang talaga sa diskarte! Tsk. Saktong 5 pm ng makarating ako sa bar na madalas naming tambayan. Wala pa yung mga makukulay na ilaw kase wala pa namang katao-tao. Kadalasan kase 7 pm to 12 am ang dagsa ng mga tao dito. Humanap ako ng magandang pweste, nanlaki bigla angga mata ko ng isang lalaki ang nakaupo mag isa sa bandang gitna ng bar.

Isang familiar na lalaki. Hindi ako sigurado pero mukhang si Minton ang lalaking yon kaya para makasigurado ay dahan-dahan ko syang nilapitan. Napangisi pa ko nang marealize kong sya nga yon.

"Minton?"

Mabilis naman nya kong nilingon "Prixon?"

Hinawakan ko sya sa balikat nya "Bakit parang gulat na gulat ka?" nakangising tanong ko pa sakanya, medyo nanlaki kase ang mga mata nya

Sya ang pinsan ni Calvin Barcelo na kaibigan din naman ni Paolo. Hindi kami ganon ka-close nitong si Minton kase naman bihira sya makihalobilo samin pag nag pupunta kami non sa bahay nila pero nag kakausap naman kami minsan pag may kelangan lang itanong mga ganon. Suplado din kase 'to eh. Medyo mag kaugali din kase kaming dalawa.

Ngumisi sya sakin "Hindi naman. Maupo ka"

"Sinong kasama mo?" saka ako naupo sa tabi nya

"Uhmmm. Wala! Ako lang. Eh, ikaw wala ka yatang kasama?"

Napakamot ako ng ulo "Busy sila eh. Tapos badtrip pa sa bahay kaya ako na lang!"

"Kung ganon tayo na lang uminom"

"Aba! Gusto ko yan. Ngayon lang kita makakaharap sa inuman" saka ako ngumisi sakanya "mukang nakarami ka na huh?"

"Nakaka tatlo pa lang ako"

Nakangisi sya pero halata sa mga mata nya na problemado talaga sya kaya nag usisa agad ako kung babae nga ba yung problema nya base sa hula ko. Minsan talaga tsismoso din ako.

"Pano mo naman nasabi yon?" nagulat pa sya sa tanong ko

"Basta lang alam ko. Tama ako diba?" saka ko nilagok ang isang basong beer

"Medyo ganon na nga"

"Naku! Mahirap yan dapat hindi ka nag fo-focus sa isang babae. Kaya nga ako hindi ko siniseryoso yung mga babae, sakit lang sa ulo"

Believe me! Sakit lang talaga sila sa ulo!

"Tama! Sobrang sakit nga nila sa ulo"

Nag patuloy kami sa pag inom habang nag uusap kami. Kung ano-ano lang ang topic. Okay din naman palang kausap tong si Minton. Narealize ko lang bigla.

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now