Kabanata 38

1.4K 37 1
                                    

Kabanata 38
Na-aadik


Kinabahan agad ako ng tawagin na ng emcee ang pangalan ng banda namin.

“The S.E band!”

Malakas na hiyawan at tilian ang bumalot sa buong paligid ng lumabas na sa stage ang vocalist na si Nick kasunod nya si Raiko at Vince. Saglit akong huminto para huminga ng malalim bago tuluyang lumabas ng stage. Namutla ako ng mabilis na humupa ang hiyawan at tilian ng madla ng lumabas ako. Napalitan ng bulungan ang mga hiyawan nila kanina.

“Sino yung babaeng yan!?”

“Kasali ba sya sa banda?”

“Bakit may babae!?”

“Tsss. Panira naman yan!”

Napatungo na lang ako at humigpit ang pag kakahawak ko sa gitara ko. Damn it! Paano ko makaka pag focus ngayon kung ganyan ang mga naririnig ko?


“Go Girl! Galingan mo!”

“Ang ganda mo Wincess chin up!”

Kaiinggit ka!”

Nabuhayan agad ako ng loob ng marinig ko ang malakas na sigaw na yon ng tatlo kong mga kaibigan na naka-pwesto pa sa harapan. Halos makipag sabunutan na sila sa mga babaeng nag bubulungan kanina ng masama tungkol sakin. Matipid akong ngumisi sakanila saka ako tumango at nag baling sa mga ka-banda ko na tila nag hihintay sakin. Ngumisi agad si Nick ng makalapit na ko.

“Start na tayo”

“Okay let's start” confident kong sabi

Si Nick ang naka pwesto sa harapan nasa likuran nya ko, si Vince naman ay nasa likuran ko sa bandang kanan at sa bandang kaliwa naman nakapwesto si Raiko.

“Hi. Goodmorning Everyone! We are S.E Band!”

Sa simpleng bati lang ni Nick na buhayan na naman ang katawang lupa ng madla. Malakas na tilian na naman ang bumalot sa buong gymnasium. Luminga-linga ako para hanapin sa audience si Prixon. Bumusangot ako ng hindi ko sya nakita, pero naaninag ko naman ang nakangising si kuya William kasama si Franco at mga ka dance group nya. Ngumisi ako at napa-kaway sakanila. Napansin ko agad ang pag taas ng kilay ng mga babaeng nakapaikot sakanila kaya napailing na lang ako.

And I give up

forever to touch you...

Unang lines pa lang ay tilian na ang lahat. Kahit ako humahanga talaga sa lamig at ganda ng boses ni Nick. Kung iisipin ma-swete na si Lauriz sakanya. Gwapo, talented at madaming humahanga sakanya. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot kapag naiisip na parang naging panakip butas lang sya ni Lauriz dahil kay Prixon.

And I know

that you feel me somehow...

You're the closest to heaven

that I’ll never be...

And I don't want

to go home right now...

Natapos na yung dalawang kanta pero hindi ko pa din nakikita si Prixon. Nasan na ba sya? Hindi kaya sya nanuod?

“Want more?” tanong ni Nick sa madla

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now