Kabanata 32

1.4K 38 1
                                    

Kabanata 32
Damn serious

Lunes...


Para akong zombie na tulala lang dito sa upuan ko, habang nag kakagulo ang buong klase namin. Pano ba naman ang laki ng eyebags ko ngayon, halos hindi kase ko nakatulog kagabi pag uwi namin galing Baler. Okay na kami ni Prixon kaso hindi ko lang talaga makalimutan yung mga lines nya sakin. Hays!


"Wincess totoo bang mag pe-perform yung grupo ng kuya William mo sa school festival?" Tanong ni Joan na ka-klase namin, habang naka tayo sya sa harapan ng upuan ko, kasama nya si Shane na ka-kalase din namin.


Nakatitig sila sakin na para bang hinihintay talaga nila ang pag sagot ko. Tumango lang ako sakanila. Hindi naman na nakakagulat na kilala nila si Kuya William dahil sa pagiging peymus naman talaga nito sa campus, ang nakakagulat lang talaga ay kung pano nila nalaman na mag kapatid kami?


Ngumisi sya sakin "Talaga? Naku. Excited na ko! Mapapanood ko syang sumayaw"

Tumaas agad ang isang kilay ko "Bakit mo gustong mapanood ang kuya ko?"

Namutla sya sa tanong ko "Ha? Eh... A-ano k-kase-"

"Do you like him?" obviously yes! Wagas nya pag pantasyahan ang kuya ko, eh!

"O-okay lang ba sayo kung sabihin kong crush ko yung kuya mo?"

"Oo. Okay lang" I lied


Ayoko talaga! Ayoko na may pumapaligid sa kuya ko. Pero wala naman akong magagawa, diba? Hindi ko naman hawak ang isip ng mga tao.


"Talaga? Salamat Wincess!" Halos mapayakap sya sakin dahil sa sobrang saya nya "ay. S-sorry Wincess!"

"Okay lang"

"Oh. Ayan Joan kasali pala ang my loves mo. Pano ba yan? Mag kalaban pa pala yung my loves natin dalawa?" humalakhak si Shane "William your loves vs. Prixon my loves. Exciting!"



WHAT? As in, nalaglag talaga ang panga ko.


"A-anong sabi mo? Prixon? As in Prixon Isaac Evans?"


Kumislap pa ang mga mata ni Janelle ng itanong nya yon. Buti na lang naitanong na nya kay Shane ang gusto ko din itanong.


"Oo. Kilala mo sya?"

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now