Kabanata 17

1.5K 41 1
                                    

Kabanata 17
Na gi-guilty


-Prixon’s POV-

Halos hindi ako makagalaw sa pag kakatayo ko ng makaalis na si Wincess, ni hindi din ako makapag salita parang pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko.

WHAT'S THE BIG DEAL!? DAMN!

Ano nga ba ang big deal don? Tama naman sya, hindi naman to ang first time ko na may nanyare samin ng isang babae. Kung iisipin nga yung nanyare saming dalawa walang kasiguraduhan kase kahit ako mismo walang maalala sa mga nanyare nung gabing yon.

PERO BAKIT? Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, kung na gi-guilty nga lang ba ko, o kung ano. Basta pakiramdam ko may responsibilidad ako sa nanyare, pakiramdam ko kelangan ko syang panindigan. Ni hindi ko 'to naramdaman sa mga babaeng na naka-sex ko dati. For having fun lang ang sex sakin dati, pero bakit ngayon pakiramdam ko napaka wala kong kwentang lalaki kung pababayaan ko lang sya? T*ngna naman oh! Hindi ko ‘to dapat nararamdaman, eh! HINDI!

Bahala na kung ano ang gusto nyang isipin pero gagawin ko pa din ang gusto ko, gagawin ko pa din ang makakapag panatag sa loob ko, paninindigan ko sya, kahit alam kong ayaw nya, kahit alam kong naiirita na sya. Gagawin ko pa din.

Halos araw-araw ko na syang pupuntahan sa department nila para dalawin.


“Sabihin mo nga sakin? May nanyare ba sainyo nung gabing yon?” kinabahan ako sa tanong ni Poalo

“Ewan. Hindi ko nga maalala!”

“Eh. Kase 1 week na ang nakakalipas simula non. Tapos simula din non bigla ka na lang nag bago ng pakikitungo sakanya”

“Ano bang sinasabi mo?”

Kunyare ka pa! Eh. Tatlong araw na natin ginagawa to, huh?”

“Ang alin ba?”

“Ano pa nga ba? Edi ito! Ang pag punta dito sa department nila para dalawin sya”

Ginulo ko ang buhok ko “Basta kase!” inis kong sabi “Oh ayan na sila” dagdag ko pa


Napatayo agad ako sa upuan na inuupuan ko sa cafeteria ng makita ko na paparating na si Wincess kasama si Kath, Leni at Janelle. Kitang-kita ko na naman ang nakakunot nyang noo at nakabusangot nyang mukha ng makita nya ko.


“Andito pala ulit kayo” ani Janelle na naka todo ngiti pa

Oo. Naisip namin na dito na lang ulit kumain, mas masarap kase yung ulam dito kesa sa cafeteria namin”

“Talaga?”

“O-oo. D-diba Pao?” siniko ko sya ng mahina bilang senyales. Sana magets nya. Slow din 'to minsan

“A-ah. O-oo. Totoo yon!” pilit na pag sang-ayon pa ni Paolo

“Kung ganon tara ng umorder ng pag kain” Janelle na kumapit pa sa braso ko sabay hila nya sakin


Pasimple kong sinulyapan si Wincess na panay na ang pag irap.


Beef steak ang order ko, habang si Wincess naman ay chicken afritada ang ulam na inorder. Si Paolo at Janelle ang katabi ko sa upuan, habang si Wincess naman ay nakaupo sa tapat ko. Halos hindi ako makakain. Pasimple ko syang sinisilayan sa pag kain nya, napansin ko na isa-isa nyang tinatanggang ang carrots sa afritada. Hindi pala sya mahilig sa carrots?


My Brother's EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon