Kabanata 21

1.5K 43 0
                                    


Kabanata 21
Celebration



Nag punta agad ako sa pinaka malapit na butika para bumili ng P.T (Pregnancy Test)

Hindi na ko bumalik ng school kaya hindi ko na din natapos panoorin ang game nila kuya. Umuwi na ko ng bahay at dumiretso agad ako sa kwarto ko para dito subukan ang p.t

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, habang hawak-hawak ko ang p.t. huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang tignan ang resulta nito. Bumagsak ang balikat ko. Parang jelly'ng nanlambot ang buong katawan ko nang makita ko na ang dalawang pulang guhit rito. Mabilis bumagsak ang luha sa mga mata ko.


SHEEEET!


Hindi ‘to pwde! Hindi pa ko ready. Kelangan ko munang mag-aral. Ano ng gagawin ko? Pano na to?


Niyakap ko ang dalawang tuhod ko at napahagulgol na ako ng iyak. Wala na akong ibang maramdaman, kundi... SOBRANG TAKOT!


Anong gagawin ko? Pano na ko? Pano na yung pag-aaral ko? Ano ng manyayare sakin ngayon? Sunod-sunod na tanong ang nabuo sa utak ko, kasabay pa din ng pag buhos ng mga luha ko, pakiramdam ko sasabog na ngayon ang dibdib ko halos hindi na ko makahiga sa sobrang sikip nito.


Medyo matagal din bago ko tuluyang mapakalma ang sarili ko. Dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa tyan ko para himasin ito.


"Totoo ba talaga ‘to? Anak? Andito ka ba talaga sa loob? Alam mo ba na sobrang takot na takot ako ngayon, pero wag kang mag-alala kase wala naman akong balak ipatanggal ka. Alam kong magiging okay din ang lahat. Sana nga maging okay pa ang lahat" Onti-onti ulit namuo ang luha sa mga mata ko


*Tok-tok!*


Bumungad agad si kuya pag bukas ko ng pintuhan. Agad nyang hinawakan ang mag kabilang balikat ko.



“Hays! Thank God you are safe!" Malalim ang naging buntong hininga ni kuya. Bakas ang matinding pag aalala sakanya. Naiiyak na naman tuloy ako "Ano bang nanyare sayo? Sabi ng mga kaklase mo nag paalam ka lang sakanila na mag babanyo ka tapos hindi ka na daw bumalik? Tinatawagan ko yung phone mo wala naman sumasagot. I'm f*cking worried. Are you okay? Is there something wrong?”

“Y-Yes, I'm okay. Sorry kuya kung hindi na ko nakapag paalam na umuwi na ko, s-sumama kase bigla yung pakiramdam ko”

“May sakit ka ba?” agad dumapo ang palad nya sa noo ko "Gusto mong dalin kita sa hospital-"

“W-wala naman kuya. Uhmmm. Medyo na hilo lang ako kanina, sa init lang siguro ng panahon”

“Medyo napapadalas yata yung pag sama ng pakiramdam mo ha? Gusto mo ba samahan na kitang mag pa check-up?”

“Naku! Wag na! A-ah.. I-I mean. Hindi naman na kelangan, okay lang ako kuya”

“Are you sure? I'm worried”

Y-yes. I'm okay, so you don't have to worry” I faked my smile

“Okay. Tara sa baba at mag papabili ako ng mga paborito mong pag kain- Ininvite ko rin pala yung mga kaibigan mo dito”

“Huh? Bakit?”

“Mag ce-celebrate tayo sa pagka-panalo namin sa game”

“Talaga? Nanalo kayo?” Lumaki ang ngisi ko

“Of course! I told you na tatalunin ko ang Prixon na yon diba?”

My Brother's EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon