Kabanata 51

1.4K 33 1
                                    

Kabanata 51
Nonsense


“Kanina ka pa tahimik ha? May problema ba?” tanong ni Franco sakin, isang araw ng mag sabay kaming umuwi

“Wala naman”

“Gusto mo bang humabol sa gig nila William?”

Umaliwas ang mukha ko dahil sa sinabi nya. Oo nga pala! May gig sila kuya ngayon sa club 87

Makakahabol pa kaya tayo?”

Bahagya syang tumingin sa relos nya “Oo. Makakahabol pa. Let's go?”

“Okay! Let's go!”

Nag mamadali akong bumaba ng sasakyan ni Franco ng maiparada na nya ito sa harap ng club 87. Hinila ko agad ang kamay nya papasok sa loob nito.

“Start na!” sabi ko

Halos hawiin ko na lahat ng babaeng panay ang tili habang pinapanuod ang banda nila kuya. Kumaway ako kanila ng makarating na ko sa harapan. Nakita ko ang pag laki ng ngisi ni kuya at Vince, tumango naman sakin si Raiko, habang si Nick kumindat pa sakin. Uminit ang pisngi ko. Tinignan ko agad ang mga tao sa paligid ko. Nadatnan ko ang mga ito na masama ang tingin sakin. Yung iba pa nga inirapan pa ko. Tsss!

I say it, I love you again
Are you listening?

Open your eyes, once again
Look at me crying...

If only you could hear me shout your name...

If only you could feel my love again...

The stars, in the sky
will never be the same...

If only you were here...

Malakas na palakpak ang ibinigay ko sakanila ng matapos ang pag kanta nila. Lumingon ako sa paligid ko para tignan si Franco pero. Leche! Sa sobrang busy ko sa panunood kela kuya hindi ko na napansin na kanina pa pala nawawala si Franco.

“Excuse me!” Sabi ko sa mga taong nakaharang doon. Kelangan kong hanapin si Franco. Nag papanic ako, hindi ko alam kung bakit.

Natigilan lang ako ng mabangga ako sa matigas na likuran ng isang matangkad na lalaki.

“Sorry!” nahihiya kong sinabi

Pumihit sya para harapin ako. Namutla ako ng makita kung sino sya. Oh my! Si PRIXON?

Nakita ko ang pag half open ng bibig nya. Bakas ang medyo pag ka-gulat nya ng makita ako.

Wincess?”

Napatalon ako ng marinig ko ang pag tawag na yon ni Franco sakin mula sa likuran ko. Hindi ko agad sya nagawang lingunin. Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko kay Prixon na ngayon ay bakas na ang galit sa mukha. At bakit? Ewan hindi ko alam? Siguro dahil ayaw nya kong makita? Sh*t!

“Prix-”

Bago ko pa matapos sabihin ang pangalan nya ay tinalikuran na agad nya ko. Sinundan ko ng tingin ang pag martsa nya palayo sa kinatatayuan ko. Nakita ko ang pag kalaglag ng panga ni Paolo at Tyrone habang nakatitig sakin. Habang si Calvin at Joshua naman ay sinundan din ng tingin ang nag walkout na si Prixon. Pinilit kong ngimiti kay Paolo at Tyrone, kahit ang awkward ng eksena namin. Sinuklian din naman nila ko ng isang ngiti. Napatalon ako ng maramdaman na may humawak sa braso ko. Pumihit ako para lingunin sya. Bumungad sakin ang seryosong mukha ni Franco.

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now