Kabanata 47

1.3K 34 0
                                    

Kabanata 47
Reservation


Hindi na ko bumalik sa 'S.E Band' dahil si kuya William na ang pumalit sakin bilang guitarist nila. Ako naman sinubukan kong sumali sa cheer dance. Pinilit kase kong sumali ni Leni, Kath at Janelle na pare-parehas din kasali don. Pero syempre sa loob ng almost 9 months ko sa cheering squad hindi ko pa din kinalimutan ang music. Minsan nag susulat pa din ako ng mga kanta at kapag wala naman kaming practice sa cheer dance, sumasama ako sa mga practice nila kuya, o kaya sa mga lakad nila ni Franco, o kaya nag papaka busy na lang ako sa pag aaral. Sabi nga nila mas makaka move on ang isang tao kung madami syang pinag kakaabalahan at naniniwala ako don. Kapag kase wala akong ginagawa madalas naaalala at namimiss ko lang sya kaya nag hahanap na lang ako ng mga bagay-bagay na mapag lilibangan.

"Oh. Break muna tayo" sabi ni kuya na tinanggal na ang gitara na nakasabit sakanya

Mabilis nilang pinag kaguluhan ang meryendang inihanda namin ni Tiffany, sya ang bagong girlfriend ng kuya ko. 4 months na yata sila at alam kong seryoso ang kuya ko sakanya dahil bihirang umabot ng 1 month ang mga nagiging girlfriend nya dati. Simula ng maging guitarist nila si kuya madalas dito na din sila sa music room namin nag pa-practice.

"Ang sarap nito ah?" sabi ni Raiko habang pinapakita sakin ang cookies na hawak nya

Ngumisi ako "Syempre kami ni Tiffany, gumawa nyan" proud na sabi ko pa

"Kaya pala masarap eh" ngumisi din sya

"Eheeem!" sabat ni kuya habang nakataas pa ang isang kilay nya

Napahalakhak ako. Umiiral na naman ang pagiging protective ng kapatid kong to. Tsss! Hindi pa yata nya alam na may nililigawan ng iba si Raiko. Oo. dati, nag confess sakin si Raiko. Nag sabi sya na gusto nyang manligaw pero hindi ako pumayag. Kaaalis lang non ni Prixon at hindi ako sigurado kung kaya ko na ulit pumasok sa isang relationship. Umiyak sya non sa harapan ko. Gusto ko na tuloy maniwala noon sa sinabi ni kuya sakin, tungkol sa first and last dance mo. Pag first dance mo daw. Iiyakan ka tulad ng ginawa ni Raiko na syang first dance ko non, at kapag last dance mo daw ikaw naman ang iiyak sakanya, tulad ng pag iyak ko kay Prixon dahil sya ang last dance ko non. Siguro nga medyo totoo yon. Pero ang importante, naka move on si Raiko sakin at nakahanap na sya ng iba ngayon. Sana ganon din ang manyare sakin.

Masaya ako na nakakasama ako madalas sa mga practice at Gigs nila. Hindi na lang kase sila sa campus tumutugtog ngayon, nag kakaroon na din sila ng gigs sa mga bars. Daig ko pa nga ang manager nila kung makabuntot sakanila.

"Wala ba kayong practice ng cheering ngayon? Ang alam ko kasali ang cheering squad nyo next month para sa labanan ng mga University cheering squad?" pag iiba ni Vince sa usapan

"Yup. May practice nga kami pero mamayang 4 pm pa"

2 pm pa lang naman kase, kaya chill lang muna ako dito.

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now