Kabanata 52

1.5K 35 1
                                    

Kabanata 52
Babalik



"Hi miss Beautiful"



Napatalon ako sa gulat, isang araw ng maka-salubong ko si Tyrone sa open gym ng campus.



"Oh. Tyrone, ikaw pala" bati ko sakanya

"Buti na lang pala at nag ka-salubong tayo dito" aniya

kumunot ang noo ko "Ha? Bakit? May kelangan ka ba?"

"Kunin ko number mo" sabay abot nya sa cellphone nya



Number ko? Bakit kaya?



"Okay" kinuha ko ang cellphone nya saka ko ni type ang number ko

ngumisi sya "Okay. I'll text you na lang kapag na tuloy yung night out natin sa sabado- bye!" kumaway pa sya habang nag mamartsa sya palayo

"Wha- wait!"




Huli na. Nakaalis na sya. Napakamot ako sa ulo. Anong night out kaya namin yung sinasabi nya?




"Go babe!"




Umalingawngaw ang sigaw ni Pia habang nanunuod ng practice game nila Prixon. Para syang sinasapian sa tuwing makaka shoot ito. Break kase namin ngayon kaya nanuod muna kami ng game nila. Pinag masdan ko ng tingin si Pia na nakatayo sa gilid ng court. Naka white hugging blouse sya at maiksing shorts. Siguro nga talagang nag matured na si Prixon ngayon. Hindi na kase sya nagagalit kahit maiksi ang short ng girlfriend nya o kahit naka lipstick pa to, at make up. Siguro ngayon, na realize nya na ganitong klase ng babae kay Pia ang mas deserving girlfriend kesa sa tulad ko.



Hays! Damn it! Bakit ba kinu-kumpara ko na naman yung sarili ko sakanya? Tsss. Ewan, di ko alam. Kainis!




"Oh. Bakit parang ang laki na naman ng problema mo?" tanong ni kuya William sakin habang nag da-drive sya pauwi

"W-wala to, kuya" sabi ko ng hindi man lang sya tinitignan

"Ay sus! Dahil ba yan kay Franco?"




How I wish, na sana sya na lang talaga ang dahilan at hindi si Prixon.




"No, kuya! Of course not" over react naman si ako

"Eh. Dahil kanino? Kay Prixon?"



Tumindig ang balahibo ko sa biglang pag seryoso ng tono nya. Pinag masdan ko sya. Naka pokus lang sya sa pag mamaneho. Hindi ako nakasagot kaya nag follow up question agad sya.



"Kaya ba hindi mo magawang sagutin si Franco kase hanggang ngayon sya pa din?" kalmado nyang sabi pero kinabahan pa din ako ng sobra

"Kuya. May girlfriend na yung tao-"

"Hindi naman yon ang point ko. Ang point ko kung mahal mo pa sya" kalmado pa din ang tono nya habang naka pokus pa din sa pag mamaneho



Umayos ako ng pag kakaupo at dumeretso ako ng tingin sa harapan.



"Hindi naman pwde diba?" matabang kong sabi




Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pag lingon nya sakin. Pinipiga ang puso ko dahil sa katotohanang yon. Hindi ko na sya pwdeng mahalin dahil may girlfriend na sya at dahil ayaw ng kapatid ko sakanya. What a poor life!




"Sorry" simple nyang sabi.



Hininto na nya ang kotse, nasa tapat na pala kami ng bahay.



My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now