Kabanata 37

1.4K 37 0
                                    

Kabanata 37
Good Luck asawa ko

Panay na lang ang tingin ko sa relos ko habang nag hahanda na kami sa magiging performance ng banda mamaya.

“You okay? May problema ba?”


Napatalon ako sa biglang pag sulpot ni Nick sa harapan ko. Nag kibit balikat ako sakanya.

“W-wala. Wala naman”

Napangisi sya sa sinabi ko na para bang may nalalaman sya sa dahilan ng pag kabalisa ko. Masaya ako dahil okay naman na kami ngayon at hindi naman naging issue samin yung nanyare nung isang gabi. Kahapon din kase sa practice namin ipinaliwanag ko sakanya ang lahat at naintindihan naman nya yon. Ang bait nya diba?

“Bakit hindi ka pa mag punta don? Mag i-start na yung performance nila ha? ”

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Ngayon sigurado na talaga ko na may alam nga sya.


“Naku. H-hindi na.. Mag pe-perform din naman tayo”

“Mamaya pa naman tayo. Mauuna pa sila.. Kaya pumunta ka na para hindi ka ma-late” ngumisi sya sakin

“Okay lang ba talaga?” nahihiya pa ko kunyare

“Oo naman. Basta kapalit non galingan mo mamaya” kinindatan pa nya ko

Napangisi din ako ng malaki sakanya “Oo ba!”

“Sige na punta ka na”

“Okay. Salamat!”


Kinuha ko agad ang bag ko at patakbo akong lumabas ng music room. Laglag ang panga ko ng makita mula sa malayo na naka formation na sila kuya sa stage. Sh*t! Kelangan kong makapunta sa harapan para mas malapit ko silang mapanood. Halos makipag tulakan ako sa mga babaeng nag wawala ng mag simula na  performance nila kuya.

“Excuse me..”


Wala na kong pakialam kung sino man yung nahahawi ko basta kelangan maka-pwesto ako sa harapan. Halos masiko pa ko ng mga babaeng kilig na kilig sa panunuod bago ako makarating sa gusto kong puntahan. Inilagay ko agad ang dalawang index finger ko sa dalawang tenga ko. Nabinge na yata ako sa lakas ng tilian nila. May ilan-ilan pang isinisigaw ang pangalan nila kuya. Isa na dito si Joan na ka-klase ko na halos mahimatay na kakatalon at kakasigaw sa pangalan ni kuya William.


“William...  I LOVE YOU!”

“Gwapo mo William!”

“Go Franco my Love!”

“I Love you, Franco!”


Ilan lang yan sa mga isinisigaw nila. May mga nag sisigaw din sa pangalan ng nila Rex, Kevin at Andrei pero mas malakas lang talaga yung kela kuya at Franco, mukhang mga naka ‘enervon’ pa ang makikire eh! Kainis mga to! Parang mag kiti-kiti. Halos maitulak na nila ko sa kakatalon nila. Titigil lang yata ang mga hinayupak pag nasubsub na ko eh! Tsss... Sarap ingudngod isa-isa. Bwesit!


Binaliwala ko na lang sila at nag focus na lang ako sa panunuod kela kuya. Sobrang saya ko na mapanuod silang nag sasayaw ngayon sa stage. Hindi ko maitatanggi na bawat isa sakanila ay sobrang galing talaga sa pag sayaw. Napaka lakas ng appeal nila sa stage. Malakas na palakpak ang ibinigay ko ng matapos na silang sumakay.


“Nagustuhan nyo ba yon?” sabi ng emcee

“Yes!”

“You want more!?”

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now