Kabanata 19

1.5K 41 2
                                    

Kabanata 19
Pasalamat ka

-Prixon's POV-


Two weeks na ang nakalipas simula nung hindi na ulit ako nag pakita kay Wincess. Ito naman talaga ang gusto nya, kaya bakit ko pa pag pipilitan, diba? Buti na lang at sem break din namin ngayon kaya mas maiiwasan ko sya. Siguro ngayon sobrang saya na nya? KAINIS!

*Ding-dong*

Isang doorbell ang agad umagaw sa atensyon ko, habang nakaupo akong mag isa sa salas. Wala yung katulong namin ngayon nasa bakasyon kaya ako at ang dalawamg nakababatang kapatid ko lang ang tao dito sa bahay. Natutulog sa kwarto nya si Dixon na 9 years old na ngayon at nag lalaro naman ng barbie dito sa sala si Mauie na 5 years na na ngayon. Napailing na lang ako sobrang tinatamad ako pero walang ibang mag bubukas ng gate kundi ako.

Kainis! Tanghaling tapat sino ba kase yung nag doorbell? Padabog ko lang binuksan ang itim na gate namin.

“Surprise!”

Napatunganga ako. Agad bumungad sakin ang maganda, maputi, makitis, may magandang labi at matangos na ilong, may maiksing buhok na hanggang balikat lang. Isang napaka gandang babae. Kumislap agad ang mga mata ko. Halos manginig ang buong katawan ko, habang pinag mamasdan sya.

"Lauriz?"

"I'm back!"

Kusang gumalaw ang katawan ko para yakapin sya. Hindi ako makapaniwala na andito sya ngayon. Parang gusto kong kurutin ang sarili ko para makasigurado na hindi lang ito pananginip pero na pag tanto ko na hindi talaga to panaginip ng yakapin na din nya ko.

"Missed me?" bulong nya

Napangisi ako. Isang napaka laking ngisi "I do"

Totoo nga! Kayakap ko ngayon ang babaeng matagal ko ng hinihintay! Kumawala ako sa pag kakayakap ko sakanya para harapin sya. Hinawakan ko ang mag kabilang balikat nya.

“Totoo ba talaga to?” hindi pa din ako makapaniwala

“Oo. Andito na ulit ako”

Ngumisi ako ng abot tenga "Sobrang saya ko at andito ka na ulit. Sobrang tagal kitang hinintay"

"Sorry for making you wait so long. But I'm here now" medyo namuo pa ang luha nya sa mga mata

"H-hindi ka na ba babalik ng Singapore?"

"I guess hindi na. Nag ka-problema kase yung business namin don, so we're decided to go back here for good"


Isang kakaibang saya ang naramdaman ko dahil sa sinabi nya. Niyakap ko ulit sya ng sobrang higpit. Sobrang miss na miss ko na sya.

Kinabukasan, dahil start na ng enrollment, mag kasama kaming nag enroll ni Lauriz sa University din na pinapasukan ko. BS Tourism ang course na tinake nya, bagay na bagay sa height nyang 5'5 at sa katawan nyang slim. Natapos na kaming mag enroll. Tinawagan ko kaagad si Paolo para isama sya sa home coming celebration ni Lauriz.


"Pao!" nakangiting bungad ni Lauriz na bineso pa si Paolo

"Long time no see" ani Paolo ng makaupo na kami

"Oo nga eh! I'm glad na malaman na mag kaibigan pa din kayo ngayon!"

"Wala naman nag bago. Kahit naman sila Calvin kaibigan pa din namin ngayon, kaso nga lang syempre medyo busy sila. Saka mag kakaibang university na kase kami ngayon” medyo nalungkot ang boses ko kaya agad ko yon binawi “Basta ang importante andito kami ni Paolo para sayo"

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now