Kabanata 46

1.3K 35 0
                                    

Kabanata 46
I MISS YOU

Naging mabilis ang pag lipas ng mga araw. Pag katapos ng mga nanyare ni anino ni Prixon hindi ko na nakita. Halos araw-araw, gabi-gabi pa din akong umiiyak pero hindi ko alam kung bakit hindi nababawasan ang sakit.

“Yes! Finals is done!” sigaw ni Janelle habang palabas kami ng classroom

“And what next?” nakangising tanong ni Leni samin

“Celebration! Tarang mag bar?” singit ni Kath

“Let's go!” sagot ni Leni

Wha- wait! Tatawagan ko muna si Paolo. Isama natin sila”


Natigilan ako sa sinabi ni Janelle, at mabilis naman syang sinuway ni Kath.

“Janelle!”

Agad napawi ang pag ngisi ni Janelle at awkward na tumingin sakin. Oo. Boyfriend na nya ngayon si Paolo, medyo nakakagulat diba? Pero mas nagulat sila nung sinabi ko na break na kami ni Prixon. Sinabi ko sakanila lahat ng dahilan, except dun sa na buntis ako at nakunan.

Oppps! w-well. What I mean is... Si Paolo. Si Paolo lang” ngumisi ulit sya

Nauna na kaming apat sa bar kasama si Marvin na boyfriend ni Leni. Ang sabi ni Janelle susunod na lang daw ang boyfriend nyang si Paolo.

Wincess?”

Ahm?” nilingon ko ang katabi kong si Kath

Ngumisi sya “Let's hunt boys!”


Napangisi din ako sa sinabi nya. Sana nga ganon lang kadali lahat. Yung makaka-hanap agad ako ng iba tapos makakalimutan ko na agad si Prixon. Hays!


“Oh. Ayan na pala sila Paolo eh” ani Leni


Kinabahan agad ako ng makita si Paolo na paparating. Medyo madilim dito sa bar pero kita ko na may tatlong lalaki syang kasama. Shocks! Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Isa kaya si Prixon sa mga kasama ni Paolo?

Para akong pinag sakluban ng langit at lupa ng mapag tanto ko na wala pala sa tatlong yon si Prixon. Dapat ikatuwa ko yon diba? Gayong hindi ko naman sya kayang harapin dahil sa g talikod na ginawa ko sakanya.


Wincess. You're here” bungad ni Tyrone sakin

“H-hi” hilaw na ngiti ang ibinigay ko sakanya

“Kamusta na Wincess?” bati naman ni Joshua sakin

“Ayos lang ikaw?”

“I'm good”


Nakita ko ang pag kalaglag ng panga ng mga kaibigan ko. Oo nga pala, hindi naman nila alam na kilala ko si Joshua at Tyrone na barkada nila Prixon, pero itong si Calvin na isa pa sa mga barkada nila ngayon ko lang talaga nakilala. At napag alaman din namin na pinsan nitong si Calvin si Minton na nakasama namin noon sa bar. Yung type na type nitong si Kath.


“Guys! Tarang sumayaw!” aya ni Janelle samin

Tumango lang ako sakanya. Ganon din si Kath. Okay na ko dito sa table namin. Iinum na lang ako kesa mag sayaw pero itong si Kath mukhang nag paiwan lang dito sa table dahil kay Joshua at Calvin. Nakapagitna pa sya sa dalawa habang ako naman ay nakaupo sa gilid ni Tyrone na nakaupo sa tapat nila Kath.


My Brother's EnemyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ