Kabanata 20

1.6K 42 0
                                    

Kabanata 20
WHAT IF?


-Prixon’s POV-

Napailing agad ako. Bumungad na naman sa paningin ko ang mag kapatid na Alcantara! Pag minamalas ka nga naman! Hanggang dito ba naman sa canteen makikita ko ang mga to!? BADTRIP TALAGA!

Naupo kami ni Paolo malapit sa kinauupuan din ni Wincess, William at Franco. Wala na kaseng ibang bakanteng table kundi dito na lang malapit sakanila, sa madaling salita NO CHOICE kami. Hindi ko sigurado kung nakita na nila kami, pero sa palagay ko hindi pa. At wala naman talaga akong pake kung makita nila kami o hindi!


Mukang close na close talaga sya sa kuya nya no?” patukoy pa ni Paolo kay Wincess

“Tama ka dyan. Muka ngang mag kaugali din sila eh!” medyo iritado na ko

“Huh?”


Hindi ko na nagawang kumibo. Halos hindi ako makakain ng maayos, hindi kase maiwasan ng mga mata ko na mapatingin sa banda nila Wincess. Para bang hinihigop nila papunta roon ang mga tingin ko. Inis! Lalo na nung may tatlong lalaki lumapit sa table nila mga nakangisi ito habang pinapasadahan pa ng tingin si Wincess. Napailing na lang. Nakaramdam ako ng lalong pag kainis!


Aba! William bagong chix yan, ha?” sabi ng isang lalaki

Tumaas agad ang isang kilay nya Mga siraulo! Kapatid ko to!”

“Ganon ba bayaw? Baka naman pwde mo kami ipakilala sakanya?” sabi naman ng isa

Oo nga naman! Pakilala mo naman kami” at ng isa pang gago


Inis kong ginulo ang buhok ko! Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling itong inis ko. Bumaling ako ng tingin kay Wincess na panay na naman ang pag irap. Halatang-halata ang pag kairita nya. She's always like that.


“Oh. Bakit ganyan ang hitsura mo? Anong problema?” tanong pa ni Paolo. Napansin yata nya ang pag kairita ko

“W-wala ‘to!pinakalma ko muna ang tono ko ng sa gayon ay hindi naman makahalata ang isang to'


Pasimple ko ulit sinulyapan ang table nila.


Bayaw ka pa dyan! Mag silayasan nga kayo dito! Hindi ko paliligawan tong kapatid ko kahit kanino!”

“Naku. Baka naman tumandang dalaga yang si babe!”


Naningkit ang mga mata ko. Niyukom ko ang kamao ko. Bwesit! Ano ba talagang kinaiinis ko!?


Napatayong bigla si William sa pag kakaupo nya “Layas sabi eh! Kung ayaw nyong pag buhol-buhulin ko kayong tatlo dyan!”

“Joke lang naman yon pare!”

“Tara na nga. Kayo kase eh!”


Napairap na lang si Wincess. Lagi naman yon ang ginagawa nya. Umaliwalas namang bigla ang mukha ko ng umalis na ang mga lalaking yon. Baliw na yata ako! Tapos may napag tanto ako. Ganyan pala sya pag dating sa mga lalaking pumapaligid sa kapatid nya. Hahaha! Nakakatawa! Nakalapit na ko sa kapatid nya wala pa din syang alam.


My Brother's EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon