Kabanata 58

1.7K 44 0
                                    

Kabanata 58
Always been her


Kinabukasan, habang nag lalakad akong mag isa dito sa covered walk ng campus ay may kakaiba na agad akong napansin sa paligid. Pinasadahan ko agad ng mga daliri ko ang buhok ko at pasimpleng hinaplos ang mukha ko. Teka! Anong meron sa mukha ko? Bakit ganito sila makatingin?

Nakakairita! Sh*t! Nag patuloy lang ako sa pag lalakad at nag kunware na walang pake sakanila.

“Sya yan diba?” narinig kong bulong ng isang babaeng naka tayo sa gilid ng covered walk

Sinadya kong bagalan ang pag lalakad ko. Gusto kong marinig ang pinag uusapan nila dahil sigurado akong tungkol yon sakin.

“Oo sya nga!” sagot naman ng kasama nya

“Oh my god! Totoo kaya yon”

Mukha lang siguro syang mahinhin pero alam nyo na kung sino pa ang mahinhin sila yung- alam nyo na” saka pa sila humalakhak

Mariin ko silang tinignan. Agad naman silang tumingin sa kawalan. Nag kukunwari pa ang mga ito na hindi ako yung topic nila. Grrr!

Onti-onti ko ng na gegets ang lahat. Siguro iniisip ng lahat na inagaw ko talaga sa kawawang si Pia ang boyfriend nya. Well, hindi ko naman talaga inagaw si Prixon sakanya. Binawi ko lang kung ano talaga ang akin!

Isang linggo na ang nakalipas simula nung mag hiwalay si Pia at Prixon. Simula non hindi pa ulit nag tatagpo ang landas namin ni Pia. Masyado din kase’ng malayo ang building nila sa building namin at wala na din ako sa cheer dance ngayon. Pero mas okay na din siguro to, ang mag palipas na lang muna kami ng panahon. Anyways. Hindi pa naman talaga kami official na nag kakabalikan ni Prixon, syempre pinaninindigan pa namin yung ‘ligawan stage’ namin. Kaya hindi ko alam kung bakit parang kalat na agad dito sa buong campus ang mga fake news na inagaw ko si Prixon. Shocks!

“Good morning, guys-”

Natigilan ako sa naging reaksyon ng buong klase ng dumating ako. Tumahik silang lahat at nag iwas ng tingin sakin. Pati ba naman sila? Kainis!

Wincess, sa labas muna tayo” ani Leni na mabilis akong hinila palabas kasama ni Janelle at Kath

“Teka- ano bang nanyayare dito?”

“Basta sumunod ka na lang samin”

Langya! Nag simula ng kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Pinag papawisan na ko ng malamig dito.

“Wait- what's going on?” tanong ko sakanila ng makarating na kami sa cr. Ni-lock agad nila ito para walang ibang makapasok

“Hindi mo pa ba alam?” natatarantang tanong ni Janelle na panay ang kutkot sa kuko nya

My Brother's EnemyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang