Kabanata 45

1.5K 36 0
                                    

Kabanata 45
I love you. Goodbye



Pag mulat ng mata ko si kuya William at Franco agad ang bumungad sakin. Sigurado ako na nasa hospital ako ngayon. Sigurado din ako na alam na nila kuya ang nanyare sakin. Nakaupo ang kapatid ko sa tabi ng kamang hinihigaan ko, habang naka sandal sa pader si Franco at naka pamulsa pa ang dalawang kamay nya.

Wincess! Ayos ka lang ba?” biglang tanong ni kuya. Bakas sakanya ang pag-aalala

“S-si... P-Prixon?” Yun ang agad nasabi ko kahit alam ko na kelangan kong mag paliwanag sakanya.

Mabilis nag bago ang ekspresyon nya “Umalis na sya!”

Kumalabog bigla ang dibdib ko. Nanginig ang buong katawan ko. Hindi ko na naisip na mag tanong pa ulit ng tungkol kay Prixon dahil ayokong tuluyang sumabog ang kapatid ko. Bumangon ako at huminga ng malalim.

“A-ang b-baby ko?” Biglang tanong ko kahit hindi ako sigurado kung alam na ba nya pati ang tungkol don. Basta gusto kong malaman kung ayos lang ba ang anak ko. Napansin ko na bigla syang natigilan sa tanong kong yon saka sya nag iwas ng tingin sakin. Namutla akong bigla. Nakaramdam na agad ako ng sobrang takot kahit wala pa naman syang sinasabi “K-kuya!” pumiyok ako

“I'm sorry Wincess gamit ang malungkot nyang tono

“B-bakit ka nag so-sorry? Ako nga dapat yung mag sorry sayo-”

“Y-your baby...” napatungo sya at napailing

“What about my baby!?” namuo na agad ang luha sa mga mata ko

“I'm sorry Wincess-”

“Tell me kuya! Just tell me!” basag na ang boses ko

Halos mag wala na ko. Sobrang takot na ang nararamdaman ko. Pinipiga ang puso ko. Sumisikip ang dibdib ko.

“Just calm down, Wincess. Please!” untag ni kuya

“No kuya! Just tell me!”

“Wincess, Please!”

Bumaling ako ng tingin kay Franco na isa din sa nag tatahan sakin “Franco! Tell me.. How's my baby?” sigaw ko, di na talaga ako mapakali

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now