Kabanata 12

1.5K 37 0
                                    

Kabanata 12
Growing up




BORING!



Kaninang umaga pa talaga ko wala sa mood. Wala akong ibang ginawa kundi tumingin sa kawalan. Kabaligtaran nitong si Paolo na punong-puno ng energy sa katawan. Nag enervon yata ang isang 'to.






"Ano Prixon? Tara na kaseng mag bar!" aniya habang nag lalakad kami malapit sa court

"Next time na nga lang. Wala talaga ko sa mood ngayon"

"Sigurado ko mamaya pag naka tikim ka na ng alak gaganahan ka na nyan. Tara na!"

"Next time na lang talaga-"




Naputol bigla ang pag sasalita ko ng isang bola sa basketball ang tumama sa braso. Kaya mabilis akong napalingon sa grupo ng mga kalalakihan na nag lalaro sa court. Napangiwi ako ng makita ko ang nakangising si William na isa pala sa mga nag lalaro. Kumulo agad ang dugo ko ng makita sya. Aba! G*go to,ah! Siguradong sinadya nya ang pag hagis ng bola sakin!




"Tao pala. Akala ko puno lang" ani William na nag evil smile pa sakin,habang nasa tatlong hakbang na lang ang layo namin sa isa't-isa. Demonyo talaga ang siraulo



I smirked at him, kahit sobrang gusto ko na syang birahin agad. Kinuha ko ang bola na nasa paanan ko.




"Ito ba yung kelangan mo?" sabi ko pa inihagis na ito sa malayo "Sundan mo na yung bola don, tutal mukha ka namang aso!" dagdag ko pa sakanya

Bumakas agad ang inis sa mukha nyang mukhang tanga "Anong sabi mo?"



Sabagay pikon naman talaga ang lalaking to kahit  kelan! Lumapit sya sakin agad nya kong kinwelyuhan. Nakatunganga lang si Paolo pati si Franco at ibang mga kalaro nila sa basketball. Wala sa kanila ang gustong mangialam sa tensyon na nabubuo ngayon samin ni William.




"Masyado ka talagang mayabang! Kung gusto mo, don tayo sa labas dun mo ilabas ang yabang mo!" aniya sabay bitaw sa kwelyo ko at tumalikod na ito sakin

I fake my smile "Bakit hindi pa dito?"

Napahinto sya "Wala ka naman kaseng iniingatang pangalan dito sa university katulad ko. Kaya dun tayo sa labas!"

"Balita ko maganda ang kapatid mo. Naisip ko tuloy imbis na yung girlfriend mo ang agawin at jowain ko, bakit hindi na lang yung kapatid mo diba?"

"Anong sabi mo!"



Mabilis nya akong hinarap gamit ang madilim nyang mukha. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya. Now I know his weakness... HIS SISTER! 



Mabilis ang pag matsa nya palapit sakin at muli akong kinwelyuhan mas mahigpit ngayon ang pagkaka-hawak nya sa kwelyo ko.




"Binabantaan kita! Subukan mo lang lapitan ang kapatid ko!" gamit nya ang pinaka galit na tono nya

Ngumisi lang ako sakanya "Talaga? Dahil sa banta mong yan mas gusto ko tuloy subukan"

"F*ck you!" mabilis syang nag makawala ng isang malakas na suntok sa mukha ko na naging dahilan para mapaupo ako sa lapag




My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now