Kabanata 49

1.3K 34 0
                                    

Kabanata 49
Basketball team

Kakaibang stress talaga ang dinulot sakin nung pag kikita namin ni Prixon. Halos gabi-gabi akong puyat dahil sa kakaisip kung ano kaya talagang nanyare sakanila nung babaeng yon at kung kelan ko kaya ulit sya makikita. Yun na din kase ang huling kita ko sakanya, kaya ngayon na nakapag enroll na ulit sya dito sa University namin at ngayon na first day na namin sa third year college umaasa ako na makikita ko ulit sya.

"Sino bang hinahanap mo?" Tanong ni Leni sakin isang araw ng mapansin nyang panay ang pag linga ko habang andito kami sa cafeteria.

"Ha? S-si Kath- asan na ba kase sya?" I lied

"Bukas pa yata sya papasok" sagot naman ni Janelle

"A-ah. Ganon ba? E-eh. Yung... b-boyfriend mo nasan? Hindi ka yata nya pinuntahan dito?" pag usisa ko pa sakanya

Gusto ko lang kaseng malaman kung pupunta ba si Paolo dito baka sakali kaseng kasama nya si Prixon at bakit ba kase ako umaasa? Tss.


"Baka papunta na din ngayon yon"

Bumakas ang malaking ngisi sakin "Really?"


Nakita ko ang pag kalaglag ng panga nila sa naging reaksyon ko kaya onti-onting humupa ang malaking ngisi ko. sh*t! Masyado yatang excited ang tono ko. Mabuti na lang at wala si Kath ngayon kundi ita-trashtalk na naman ako non.


"T-talaga?" mas pinakalma ko pa ang tono ko

"Oo"


PAG KABIGO... yan ang nanyare sakin ng dumating mag isa si Paolo dito sa cafeteria. Hindi ko naman magawang mag tanong sakanya, ayokong kung ano ang isipin nila tulad ni Kath. Panay ang pag linga ko ng sumunod na araw habang nakaupo ako sa student's center ng 'COE Building' para hintayin si kuya. Nag babaka sakali kase ko na makita si Prixon dito. Tumalon sa galak ang puso ko ng sa wakas ay makita ko ang paparating na si Prixon. Damn! Gusto ko syang makausap pero.. langya! Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sakanya. Kumalabog ang dibdib ko ng saglit syang tumingin sakin habang nakakunot ang noo nya. Mariin kong itinikom ang bibig ko. Leche! Umurong na yata yung dila ko.

Ang buong akala ko ay hihinto man lang sya ng makita nya ko pero nag kamali ako. Nag dere-deretso lang sya sa pag lalakad at nilagpasan ako na para bang hindi nya ko nakita.

WTF! Really Prixon? Grrrr!

"Pri-"

"Prixon!"

Naputol ang dapat pag tawag ko sa pangalan nya ng may isang malakas na boses ang tumawag sakanya. Nakita ko na agad syang natigilan sa pag lalakad. Nilingon at tinitigan nya ang babaeng nasa likuran ko, na para bang invisible ako at tumagos sakin ang tingin nya. Nanigas ako ng maramdaman ang pag takbo ng babaeng yon mula sa likuran ko patungo sakanya.

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now