Kabanata 4

2K 53 0
                                    

Kabanata 4
Nonsense


-Wincess's POV-

"Good morning class" ani Mrs. Cruz na adviser namin, nang mga sumunod na araw

"Good morning ma'am" sabay-sabay na sambit ng buong klase. Kahit wala naman talagang good sa morning

"Class I have a good news for all of you!"

Napairap na lang ako sa kawalan. Eh. Mukhang sya pa yung totoong excited sa kung anong announcement nya.


"Ano naman kaya yon? Sana lang good news talaga" bulong ko

"Excited na ba kayo?"

No!

"Yes ma'am!" Anila

"Kayong lahat nang freshman dito sa university ay mag kakaroon ng isang acquaintance"

Muntik pa kong malaglag sa kinauupuan ko. Whaaaat? Acquaintance? Anong ka gaguhan naman yon? Bakit kelangan mag karoon pa kami non?

"Acquaintance ma'am?" Rinig ko ang excitement sa tono ng mga ka-klase ko

"Oo. Ito ang tinatawag na alay para sa freshman gaganapin yon after ng preliminary exam nyo"

"Omg! I'm too excited! Sigurado madaming gwapong a-attend sa prom na yon!" Si Kath

"Oo nga! Kelangan maka-hanap na agad ako ng dress na isusuot ko" kuminang naman ang mga mata ni Janelle

"Oo nga. Tama. Ako din mamaya sisimulan ko nang mag hanap ng dress" si Leni naman

Napailing na lang ako sa bulungan ng mga ka-klase ko. Sana all excited! Tss

"Ano ba kayo? Hindi ba masyado pang maaga para isipin yan? Almost 2 months pa yata bago yung prelim exam natin. Yun kaya muna isipin natin?" iritado na ko

"Ang kj mo naman Wincess" ngumuso si Kath

KJ ako o OA lang kayo? Masyadong mga excited! First-time nyo ba? Wala ba kayong JS Prom nung highschool? Kainis! Nag pangalumbaba ako at tumingin na lang sa kawalan.

"Oh. Tapos, ano na? Anong kulay kaya ng dress ang bagay sakin?"

Naririndi na talaga ko sa mga kaibigan kong to. Buong araw na kase nilang topic ang acquaintance na yon. Kainis talaga sila!

Masaya at excited na silang lahat except yata sakin. Pano ba naman ako mae-excite sa acquaintance na yon? Eh. Kahit gustuhin kong sumama don mukhang malabo pa sa malabong relasyon na maka-attend ako don. Sigurado kase ko na hindi ako papayagan nang napaka istrikto kong kuya, at kung payagan man nya ko sigurado ko na a-attend din sila ni Franco sa acquaintance na yon para bantayan ako, tulad na lang ng ginawa nila sa 'JS Prom' ko nung high school, kaya imbis na mag enjoy ako puro stress lang ang naranasan ko. Tsss!

"Wincess?"

Bumalik ako sa sariling ulirat ng marinig ko ang boses na yon ni kuya Willam. Naka-sakay sya sa motor nya, habang naka hinto ito sa tapat nang gate nitong university. Ganyan sya ka protective sakin, hatid at sundo na lang ako palagi. Pero hindi ko naman sya masise kase nag karoon ba naman sya ng napaka gandang kapatid diba? Well. Hahaha!

My Brother's EnemyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora