Kabanata 29

1.5K 42 0
                                    

Kabanata 29
Bawal

Namalayan ko na lang na nakatulog pala ko ng magising akong nakasandal sa balikat ni Prixon habang ang ulo naman nya ay nakasandal din sa ulo ko. Masyado kaming feeling close sa isa't-isa. Nanlaki ang mga mata ko. naka kumot pa kase sakin ang white jacket nya. Nilagay ba nya to kase concern sya? Medyo malakas kase ang aircon sa van na'to. Halos patalon akong bumangon at umayos sa pag kakaupo ko, dahilan para magising din si Prixon. Pinagmasdan ko sya, kinusot nya ang mga mata nya saka sya nag baling ng tingin sakin kaya nag iwas agad ako ng tingin.

"I-I'm sorry. H-hindi ko namalayan na nakatulog pala ko"

mahinang sabi ko pa sakanya saka ako pumihit at tumingin sakanya. Ngumisi naman sya sakin. Ngising nakakaasar!

"It's okay. Pwde kang matulog dito sa balikat ko anytime" tinatapik-tapik pa nya ang balikat nya

Hindi ko alam kung ngingitian ko ba sya o iirapan kaya naman tumango na lang ako sakanya saka ako bumaling ng tingin kay Neji na serysong nakikinig sa music habang nakasandal pa sya at may hawak syang chips.

"Sakin sya dapat mapapa-sandal inagaw mo lang" Biglang sabi nya kaya napa isip tuloy ako

"Kase ako ang nauna" sagot agad ni Prixon sakanya habang kalmado lang syang nakasandal sa upuan

"Nauna ka lang pero hindi sayo"

"Hindi ka pa dumarating nasakin na"

Tumindig bigla ang balahibo ko sa namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nahihilo na ko! pabalik-balik na lang kase ang mga tingin ko sa kanilang dalawa. Pero teka nga! Ano ba yung pinag uusapan ng dalawang to!? Nahihirapan akong iproseso isa-isa sa utak ko yung mga sinabi nila!

"T-teka nga! Ano ba yung pinag uusapan nyo?"

"Wala" tamad na sagot ni Prixon

Pumilig ako kay Neji "May problema ba?"

"Wala yon. Don't mind him" ngumisi sya "gusto mo?"

Pag alok pa nya sa chips na hawak nya. Ngumisi din ako sakanya. Paborito ko kase ang chips na yon.

"Okay lang?"

"Oo naman"

Kukuha na sana ako ng chips na inaalok ni Neji sakin pero napahinto akong bigla ng mag salita ulit ang epal na nakaupo dito sa kaliwa ko.

"Bawal yan sakanya. Hindi maganda yan sa kalagayan nya"

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now