Kabanata 39

1.4K 37 0
                                    

Kabanata 39
Ang ganda-ganda mo


Pwde ko bang mahiram saglit ang asawa ko?”


Napatalon ako ng marinig ang boses na yon mula sa likuran ko. Kasama ko kase ngayon dito sa student’s center ang mga ka-group ko sa ‘Polsci’. Dalawang babae sila at isang binabae. Hinihintay namin ang leader namin na kausap pa ng professor namin sa faculty office. Pumihit agad ako para lingunin sya. Tumindig ang balahibo ko sa ganda ng ngiti nya sakin. Mabilis akong tumayo at hinawakan ang braso nya para sana hilahin sya palayo sa table kung saan kami nakapweste kaso hindi naman sya natinag sa ginawa ko.


“Anong ginagawa mo dito?” mahinang usal ko. As if naman hindi naririnig ng mga kasama ko


Pasimple kong sinulyapan ang groupmates ko na ngayon ay iba na ang titig samin. Nakita ko din ang pag kinang ng mga mata nila ng ngumisi si Prixon sakanila.


“OMG! Ang gwapo!” bulong ni Melvin. Ang bakla kong ka-klase

Naramdaman ko ang bahagyang pang hila ni Prixon sa kamay ko.

“Let's go?”

“W-wait!” natigilan sya sa pag hila sakin “Bakit?”

“May pupuntahan lang tayo”

“Hindi pwde. Nakikita mo naman na kasama ko yung groupmates ko-”

“It's okay Wincesssingit naman ng naka ngising si Sandy na isa sa groupmates ko “Uuwi na din naman kami kapag dumating na si Erica” dagdag pa nya

“P-pero-”

Oo nga girl go a head. Sasabihin na lang namin kay Erica na sinundo ka ni Prixon Evans maiintindihan na nya yon” nakangisi din na dagdag ni Melvin


Medyo na wirduhan ako sa sinabi nila pero nag kibit balikat na lang at nag paalam na sakanila. Kumaway pa sila sakin bago kami umalis pero hindi ko lang sigurado kung para pa din ba sakin yung mga nag aapoy nilang tingin at ang malaki nilang mga ngisi.


“San ba talaga tayo pupunta?” tanong ko sakanya habang hila-hila pa din nya ko

“Sa gym”

Ngumuso ako kahit hindi naman nya nakita “Ano naman gagawin natin don?”

“May basketball kami eh. Kelangan kita para manalo kami”

“Ha? Sino mga kalaro nyo? Bakit ako kelangan don?”

Ngumisi syang bigla “Mga I.T students ang kalaban namin. Don't worry sa closed gym kami kaya private game lang yon saka hindi tayo makikita ng kuya mo don kase narinig ko kanina na mag ba-bar yata sila?”

What? Seriously?

Tumaas agad ang isang kilay ko “Don't tell me, na pati ang kuya ko ini-stalk mo na?”

“Are you stupid?” iritado nyang sagot

Ngumisi lang ako “So. Bakit ako kelangan don?”

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now