Kabanata 11

1.7K 43 0
                                    

Kabanata 11
Second choice

"Let's go?"


Tumindig ang balahibo ko sa sinabing yon ni Prixon, kaya mabilis akong nag angat ng tingin sakanya. Isang nangungusap na mga mata ang nakita ko sakanya. Mukang gets nya ang kalagayan ko. Kuminang talaga ang mata ko at bahagyang napangisi.

He save me? He really save me? FOR REAL?

Mabilis nyang hinawakan ang kaliwang kamay ko. Parang may kuryenteng gumapang sa buong sistema ko. Pinilit kong mag lakad kahit sobrang nangangatog na ang mga tuhod ko. Ramdam na ramdam ko din ang malakas na pag kabog ng dibdib ko. Uminit lalo ang pisngi ko ng makita ko na halos lahat ng mga babaeng nadaraanan namin ay laglag talaga ang panga na nakatingin kay Prixon. Kitang-kita sakanila ang matinding pag hanga kay Prixon at matinding disappointment pag nababaling na sakin ang mga tingin nila. Parang kinukulam nila ko sa mga tingin nila.

Sa bandang gitna ng dance floor kami huminto. Tahimik lang ako at nakaiwas pa din ng tingin sakanya. Nanginig talaga ang buong kalamnan ko ng dahan-dahan nyang inilagay ang dalawang kamay ko sa balikat nya at tumaas ang mga balahibo ko ng ilagay naman nya ang dalawang kamay nya sa baywang ko.

OH MY GOSH! This is so awkward! Sigurado ako na sobrang pula na ng mukha ko ngayon. Kasing pula na nag kamatis. Kumpara kase kanina nung nag sayaw kami ni Raiko mas kabado ako ngayon at mas malakas ang kabog ng dibdib ko, mas nangangatog ang tuhod ko. Hindi ko alam kung dahil pa din ba 'to kay Justin o dahil kay Prixon o baka naman kaya talaga ganito ang nararamdaman ko ngayon kase ang kaaway ni kuya ang kaharap ko hindi dahil sya si Prixon Isaac Evans!

"Madani ka ng utang sakin" pang basag nya sa katahimikan naming dalawa

Mabilis naman akong napalingon sakanya "Huh?"

"Una binalik ko yung necklace mo, pangalawa niligtas kita sa pinag tataguan mo"

Napakunot bigla ang noo ko "Wala akong pinag tataguan no!" inirapan ko pa sya

Umiling naman sya saka ngumisi sakin "Indenial?"


Napamaang na lang ako sakanya. Ito na yata yung first time na makita ko ang ngiti nya ng ganitong kalapit. Pinag masdan ko ang magandang dimple nya sa right chin nya na katulad ng dimple ni 'Lea Salonga' at ang ganda ng ngipin nya na halatang alaga ng dentista.

Nanlambot akong bigla sa ngiting yon. Tumingin na lang ako sa kawalan para mag iwas ng tingin sakanya.

"No. wala talaga kong iniiwasan" sagot ko sa tanong nya kanina

"Siguro ex mo yon no?"

"Of course not!" mataas pa ang tono ng pag kakasabi ko sakanya, at ako pa ang galit huh?

"Wala ka naman palang iniiwasan eh. Edi hindi na pala kita kelangan i-rescue"

Tumaas bigla ang isang kilay ko "Sino bang nag sabi na kelangan ko ng rescue mo!?"

Napataas ding bigla ang kilay nya sa sinabi kong yon "Okay fine!"


Kumalas agad sya sa pag kakahawak sa baywang ko na ikinalaglag ng panga ko. Seryoso na naman ang mga tingin nya. Nakaramdam tuloy ako bigla ng hiya, parang gusto ko na namang kainin na lang ako ng lupa ngayon. Nanginginig kong tinanggal ang mga kamay ko sa balikat nya.


"I have to go" seryosong sabi pa nya sakin


Parang may biglang kumurot sa puso ko ng sabihin nya yon. Nyeta! For the second time maiiwan na naman ako sa ere!


My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now