Kabanata 23

1.6K 49 0
                                    

Kabanata 23
I'm sorry

-Prixon’s POV-

Hanggang ngayon talaga hindi pa din mawala sa isip ko yung naging pag uusap namin ni Wincess. Ang hitsura nya, ang pag-iyak nya at lahat ng mga sinabi nya ng mga oras na yon, lahat yon nakatatak pa din sa isip ko, hanggang ngayon. Mas ramdam ko pa ang pag kirot ng dibdib ko sa tuwing maaala ang lahat ng yon kesa dito sa kamay ko na namamaga parin dahil sa ginawa kong pag suntok sa pader.

Damn! Bakit nagi-guilty ako!? Bakit pakiramdam ko kasalanan kong lahat nang ‘to. Nahihirapan sya ngayon dahil sakin. Ako ang sumira sa pag-aaral nya, sa pangarap nya at dahil sakin nawala pati virginity nya. Sigurado ko na sobrang umiiyak pa din sya hanggang ngayon. Ginulo ko ang buhok ko bago nag isip ng malalim. Ano ng gagawin ko?

Pag nalaman ni Lauriz ang lahat ng ‘to. Posibleng mawala ulit sya sakin. Hindi ko kayang mawala ulit sya sakin, pero pano ang bata? Hindi ko naman din kayang pabayaan ang magiging anak ko, ayokong maranasan nya ang walang ama tulad ng naranasan ko... at nila Wincess. Tang*na naman kase oh! Bakit sakin pa ‘to nanyayare!? Bakit ko ba kase yon nagawa!? Kelangan ko nang mag desisyon ngayon.

-Wincess’s POV-

Lumuwa ang mata ko kinabukasan ng isang text ang matanggap ko galing sa unknown number.

Unknown number:

Let's meet. 9 am at rooftop. - Prixon

Walangya! At san naman kaya nya nakuha yung number ko? At bakit gusto nyang mag kita kami? At bakit ko kelangang mag punta don? Leche naman talaga! Kelangan ba talagang mag punta ko? Para ano pa? Para masagot ang madaming tanong sa isip ko? Grrr! Napairap na naman ako sa kawalan. Okay fine!

9:30 ng mag desisyon akong mag punta ng rooftop. Sinadya ko talagang malate para mag hintay sya at para hindi nya isipin na excited ako. Duh! Kase hindi naman talaga.

Nag simula ng kumalabog ng malakas ang dibdib ko, habang papalapit na ko sa rooftop. Pag katapos kase nung pag uusap namin kahapon parang wala na kong lakas ng loob ngayon na harapin pa sya.

“Akala ko hindi ka na pupunta” agad na bungad nya sakin pag dating ko, seryoso ang mukha nya, habang nakasandal sya sa pader at naka pamulsa ang dalawang kamay nya

Nag cross arms ako at umirap sa kawalan “B-bakit mo ba ko pinapunta dito?” pag tataray ko

Lumunok muna sya bago mag salita “Gusto ko lang sanang pag usapan natin ang- Uhmmm... Ang tungkol sa bata

Natigilan akong bigla. Onti-onting umawang ang bibig ko. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig ngayon. Anong sinasabi nya? Bakit kelangan namin pag usapan ang tungkol sa bata!? Gago talaga sya! Diba kahapon lang pinag dudahan pa nya kung sya nga ba ang ama ng bata? Ang kapal talaga ng mukha nya.

“Wala na tayong dapat pag usapan!”

“Meron. I'm sorry sa mga nasabi ko kahapon sayo. I'm sorry dahil sakin nawala ang lahat sayo. Ang pangarap, kalayaan at yung sarili mo. I'm sorry kung pinag isipan kita ng masama, I'm sorry Wincess” senseryo nyang sabi

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now