Kabanata 50

1.5K 35 0
                                    

Kabanata 50
First step


Lumipas ang tatlong linggo. Halos apat na araw sa isang linggo kaming nag kikita sa gymnasium dahil mag kasabay lang ang practice nila at practice namin, pero wala pa din nag babago sa pakikitungo nya sakin. Laging na sakanya ang mga mata ko pero sya hindi man lang nya ko magawang tignan. Habang tumatagal din mas nagiging close sila ni Pia, kaya halos lahat ng ka-cheerleader namin na iinggit sakanya. Kahit ako sobrang naiinggit kay Pia. Naka-kainggit kase yung mga tingin nya, yung mga ngiti nya, at yung atensyon na binibigay nya kay Pia. I swear, pinupunit lagi ang puso ko sa tuwing nakikita ko silang mag kasama at mag kausap, pero wala naman akong magawa. Damn! Wala akong magawa kundi panoorin lang sila.


"Weh? Di nga? Seryoso ba yan?"

"Oo nga! Totoo. Nakita ko talaga sila kanina"

"Kung ganon sila na talaga?"

"Malamang! Mag ka-holding hands pa nga kanina diba?"


Nag mamadaling lumapit si Janelle sa mga ka-cheerleader namin na nakaupo sa bleachers at busy sa pag tsi-tsismisan.


"Sino yung pinag uusapan nyo?" pag usisa pa nya


Lumapit din ako kasama si Leni at Kath para maki-usisa na din.


"Kanina kase nakita ko sa parking si Pia at Prixon na mag ka-holding hands" panimula ni Karen



Sh*t! Eto na naman. Kumikurot na naman ang sensitive kong puso. Tse! Tumigil ka dyan puso kung ayaw mong itapon kita ngayon!


In the end. I know, I need to smile and act normal in front of them. Damn! Ayokong mag mukhang bitter sa harapan nila.


"Sure ka ba talaga sa nakita mo?" pag usisa ulit ni Lenie sakanya

"Of course! Kitang-kita ko- OH MY GOSH!" kinabahan ako sa OA na reaksyon nya habang naka tingin sya sa entrance ng gym "Speaking!" bulong pa nya


Sabay-sabay kaming pumihit para lingunin ang entrance. Isa-isang nalaglag ang panga namin ng bumungad samin si Pia na naka kapit pa sa braso ni Prixon. Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Pia samin habang si Prixon naman ay nag baling din ng tingin samin pero wala syang pinakitang ekspresyon.


Can I walkout? Sana lang pwde! Sinundan ko ng tingin ang pag upo nila sa bleachers. Nakatitig sila sa mata ng isa't-isa. Kitang-kita ko ang malaking ngisi ni Prixon, habang kausap si Pia. Walangya! Hindi lang yata panga ko ang nalaglag. Pakiramdam ko pati puso ko nalaglag na din sa sahig. I really hate this f*cking moment!


Hindi ko maitatanggi na talagang maganda at sexy si Pia. She's damn hot compared to me. Dalang-dala nya ang pag susuot ng mga sexy'ng damit na hindi ko kaya. Masasabi ko na, talagang sya ang description ng pagiging 'chix' Kaya hindi na nakakapag taka kung magustuhan nga sya ni Prixon. Damn it!


My Brother's EnemyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora