Kabanata 43

1.3K 40 1
                                    

Kabanata 43
Step sister

Naiwan kay Leni at Janelle yung sun flowers ko kaya ni-text ko agad sila na andito ako sa clinic at sila ng bahalang mag uwi sa bouquet. Hindi ako napilit ni Prixon na mag pahatid sakanya. Ngayon kase ang usapan namin ni daddy na dinner namin sa bahay nila. Kelangan ko pa ng oras para kumbinsihin si kuya na sumama sakin.

"Kuya!" tawag ko sakanya ng sa wakas ay natapos na ang huling klase nila

"Oh. Wincess.. Kanina ka pa?"

"Medyo lang. Tara na?"

Ngumisi sya "Gusto mo bang kumain muna bago umuwi?"

"No kuya! Actually may kelangan tayong puntahan ngayon"

Agad napawi ang ngisi nya "Where?"

"Sa bahay nila daddy"

Kinagat ko agad ang labi ko pag kasabi kong yon. Bumakas agad ang galit sa mukha nya.

"No Wincess"

"Huh? Pero kuya-"

"I said no!" galit na din yung tono nya

"But Dad is waiting for us" mariin kong sabi

"5 years ago, I asked him to come back. But he never did" medyo basag na ang boses nya

Piniga ang puso ko. Sumikip ang dibdib ko. Namuo agad ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin.

"P-Pero... Diba bumalik naman na sya ngayon?" basag na din ang boses ko

"Yes! He is... But not for us"

"Kuya!" hindi ko na talaga napigilan. Tumulo na ang luha ko

"Umuwi lang naman sya dito dahil nag ka problema yung business nila sa Singapore. Babalik din sila don ng Pamilya nya pag naayos ulit yon"

Hindi ko na nakita ang ekspresyon nya dahil nakayuko na lang ako sa buong pag sasalita nya.

"But, If you want to... I can give you a ride. Yun lang ang kaya kong gawin sa ngayon"

Buong byahe kaming walang kibuan ng kapatid ko. Hindi ko gustong ganito kami pero masyado syang matigas, masyado nya pinapairal ang galit nya. Para tuloy akong pinag sasakluban ng langit at lupa pag naiisip ko ang pwde nyang maging reaksyon samin ni Prixon.

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now