Kabanata 30

1.5K 47 1
                                    

Kabanata 30
Worried



Walang ibang ginawa si Prixon kundi asikasuhin ako sa pag kain. Sya ang taga lagay ng ulam at kanin sa plato ko, taga bigay ng sabaw at taga bigay ng tubig. Hindi ko naman inuutos sakanya yon pero kusa nyang ginagawa. Awkward tuloy! Lalo na ang mga pang aasar nila Lenie samin.



"You want desert?"



Tanong pa nya sakin habang nakaupo ako sa isang duyan na gawa sa kawayan na nakatali sa dalawang puno ng buko. Nakita kong may hawak syang leche plan na nakalagay sa isang platito. Umiling agad ako sakanya.



"Ayoko. Masyadong matamis"

"Ha? Di naman ah? Sarap nga eh!"

"Ah. Basta ayoko nyan! Gusto ko yung maasim"

Nanlaki pa ang mata nya "Maasim?"

"Oo. Manggang... Something like that"

"Ah. Sige. Sandali lang may mangga akong nakita sa loob. Kukuhanan lang kita"

"Ha? No! You don't have-"




Hindi pa ko tapos mag salita pero nakaalis na agad sya. Daig pa si Flash my God! Pero kung ano ang kinabilis ng pag alis nya, kinatagal naman ng pag balik nya. 20 mins na yata pero di pa sya nakakabalik.



What's taking him so long?



Napabuntong hininga na lang ako saka ako nahiga dito sa duyan. Pipikit na sana ako para umiglip muna pero bigla naman syang dumating.



"Eto na yung mangga mo"



May hawak-hawak syang isang plato na may balat at hiwa ng mangga at isang platito na may bagoong. Napangisi ako ng makita yon pero agad ko din pinalitan ang pag ngisi ko ng pag nguso ko.



"Oh bakit ganyan mukha mo? Ito na yung mangga mo oh"

"Bat katagal mo!?"

Ngisimi sya at napakamot pa sa ulo "Nanungkit pa kase ko ng mangga don sa likod tapos binalatan ko pa saka nag luto din ako ng bagoong"



Napatunganga lang ako sa mga sinabi nya. Pinag masdan ko lang ang nakangisi nyang mukha. Tsss. Pamatay talaga ang dimple nito! Parang anghel pa pag nakangiti. At bakit parang umiikli na yung mga sungay nya? Hindi ba parang sobra na yung pag aasikaso na ginagawa nya? Baka maging santo na sya nyan? Ginagawa ba nya lahat ng yon para sakin. Walangya! Umiinit ang pisngi ko.



"Oh. Bakit?"

Napailing akong bigla "W-wala"

Humalakhak sya "Masyado ka bang na touch?"



Tumaas ang isang kilay ko. Pumihit ako at pinag masdan ang pag tawa nya. Halos maiyak na sya kakatawa. Umakyat na naman ang dugo ko sa ulo ko. I'm wrong! Mahaba pa din pala talaga ang sungay ng demonyong lalaking to!



"Ayoko kase ng bagoong!" biglang sabi ko

Napawi agad ang pag halakhak nya sa sinabi ko "Ha? Eh. Anong gusto mo?"

"Ah..eh... Asin! Asin na may siling pula!"

"Tssss. Ang selan mo naman mag bunti-"

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now