Simula

5.4K 128 13
                                    

Simula

"Wincess!"

Mabilis akong napalingon sa bandang likuran ko. Napatalon ako ng biglang bumungad si Franco Valdez na best friend ng kuya ko. Nakasakay sya sa kanyang motor na hindi kalayuan sa waiting shed na kinatatayuan namin ni Mark na dati kong ka-klase.

"Sige Mark mauna na ko." Paalam ko rito bago nag madaling nagtungo sa kinaroroonan ni Franco. Napansin ko agad ang pag kunot ng noo nito.

"Sino yon?"

Ayy bongga! Tsismoso lang o selos? Ikaw Franco ah?

"Classmate ko nung high school"

"Bakit kasama mo?"

"Malamang waiting shed yon. Kaya kasama ko sya kase nag hihintay din sya ng sundo"

"Nanliligaw ba sya sayo?!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng tono nya.

Aba! Daming tanong ah? Selos na selos? Boyfriend kita?

"Eh. Bat ba kadami mong tanong?"

"Kase kung nanliligaw nga sya sayo patay sya samin nang kuya mo"

"You talk too much! Bakit ba kase ikaw yung sumundo sakin?! Nasan yung kuya ko?"

"Nasa restobar silang apat nila Kevin"

"May usapan kami na sya yung susundo sakin! Bakit ikaw ang andito?"

"Kareklamo mo naman! Sumakay ka na lang kaya"

Wala na kong nagawa kaya sumakay na lang ako sa motorcycle nito, may tiwala naman kase ko sakanya kahit may pagka-mayabang sya katulad ng kuya ko. Grades school pa lang kase kaibigan na sya ni kuya, kaya nga madalas naiinis na talaga ko kase parang kuya na din syang umasta sakin. So annoying!

Gwapo at matangkad si Franco, maganda rin ang panga-ngatawan at pormahan nito, kaya madami rin talaga ang mga nag kaka-crush sakanya. Honestly, naging crush ko na sya noon bago pa sya nag paka-kuya sakin, pero nagbago na ang lahat ngayon. Ilan saglit pa ay nakarating na kami sa restobar na madalas nilang tambayan. Ako ang nauna sa pag pasok, habang nakasunod naman si Franco sakin. Pag pasok pa lang ng bar ay bumungad na agad sakin si kuya William na umiinom ng beer, kasama nya si Kevin, Rex at Andrei na madalas nilang ka-team sa basketball at kasama din nila sa dance group. Mabilis akong nag beso sakanya.

"Kuya, akala ko ba ikaw susundo sakin? Sabi mo sasamahan mo ko sa-"

"Sorry na. Bawi na lang ako bukas okay?" Sagot ng pinaka sweet, strict and protective kong kuya kase nga nag iisang kapatid ko lang naman sya.

Super close kaming dalawa sabi nga ng iba para raw kaming hindi mag kuya para raw kaming mag jowa pag mag kasama kami. Si kuya na kase yung parang naging nanay at tatay ko. Kami lang kase yung laging mag kasama sa bahay maliban kay manang Precy na kasambahay namin. Halos hindi na kase namin naka-kasama si mommy na isang doctor at isa sa mga board member ng hospital na pinag tatrabahuhan nya, si daddy naman may ibang pamilya na sa Singapore kaya ilan taon na rin namin syang hindi nakakasama.

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now