Kabanata 53

1.5K 37 5
                                    

Kabanata 53
LUCKY GIRL

Almost 30 minutes na ang lumipas simula nung umalis sila Prixon. Sabi ni Tyrone babalik si Prixon pero mukang malabo na yon kaya ayoko ng umasa. Medyo nakarami na din ako ng inom simula kase ng umalis sila Prixon hindi na ko bumalik sa dance floor, uminom na lang ako ng uminom dito.

"C.r lang ako" paalam ko kay Tyrone

"Samahan na kita"

Ngumisi ako sakanya "No. It's okay. Kaya ko na"

"Okay"

Pag kasabi nyang yon ay mabilis na akong tumayo patungong c.r kelangan kong mag hugas at mag hilamos para mabawasan ang pag kahilo ko. Sa labas pa lang ng c.r may isang matangkad na lalaki nang humarang sakin. Halatang lasing na sya dahil sa mapungay nyang mga mata.

"Hi miss" nag pacute pa ito

Inirapan ko lang sya at lalagpasan na sana ng maramdaman ko ang mapangahas nyang kamay na dumapo sa braso ko.

"Ano ba!" sigaw ko

Busy ang lahat at maingay dito sa bar kaya walang ibang nakarinig sa sigaw ko. Nag pumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pag kakahawak nya sa braso ko. Nag simula ng kumalabog ng malakas ang dibdib ko ng mag evil smile sya sakin.

"Let me go!" pumiyok ang boses ko

Pero hindi sya natinag. Sh*t! Naiiyak na ko.

Napatili ako ng biglang may sumuntok sa siraulong lalaking bumastos sakin. Mabilis nyang hinila ang kamay ko at itinago ako sa likuran nya. Tumindig ang balahibo ko ng malaman ko kung sino ang lalaking ito. Likod pa lang nya, kilalang-kilala ko na kung sino sya. Si Prixon.

Sobrang higpit ng pag hawak nya sa kamay ko at ramdam na ramdam ko ang panginginig nito sa galit.

"Damn you, son of bitch!" Sigaw nya sa lalaki

"What are you, fucking problem-" sigaw naman ng lalaking yon na agad naman naputol

"Hindi ko 'to basta-basta pinapahawak sa iba! So dare to touch her again, hindi lang yan ang aabutin mo!"

Hindi ko magawang mag react. Ewan. Masyado akong nagugulat sa mga nanyayare. Hinila agad ako ni Prixon palayo sa lalaking yon. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Nanginginig ang buong katawan ko ni hindi ko magawang mag salita. Naiiyak ako pero walang luha ang lumalabas sa mga mata ko.

"Prixon" nasabi ko ng sa wakas ay makapag salita na ko

Natigilan syang bigla sa pag lalakad. Nanigas ako ng harapin nya ko gamit ang galit na ekspresyon nya. Napalunok ako ng bitawan nya ang kamay ko. Andito na kami ngayon sa labas. Sa tapat ng sasakyan nya.

"Damn it, Wincess! Who told you to wear that kind of f*cking dress!?" may gigil ang pagkakasabi nya rito.

Kumalabog ang dibdib ko. Namutla ako sa narinig ko sakanya.

"What's wrong with this?" Inosente kong tanong

Wala akong makitang mali sa suot ko. Maliban sa balikat kong kita at sa manipis nitong tela pero, sa mga babaeng nakita kong andito ngayon, ako lang yata yung naka pants. Pinaka disente na tong suot ko kung ikukumpara sa iba.

My Brother's EnemyWhere stories live. Discover now