Kabanata 36

1.3K 33 0
                                    

Kabanata 36
I promise


“P-Prixon?”

Isang malakas na pag kabog ng dibdib ko ang bumalot sa buong sistema ko ng bumungad sa bintanang yon ang galit na mukha ni Prixon. Sobrang nanginig talaga ang tuhod ko ng makita ang nag aapoy na galit sa mga mata nya habang nakatitig sya sakin. Napatalon ako ng bigla nyang buksan ang pintuan at hilahin ang braso ko palabas sa sasakyan na yon ni Nick.

“Let's go” walang kabuhay-buhay nyang saad

Hindi ako nag pumiglas. Buong puso’t kaluluwa akong sumama sakanya, kahit natatakot ako sa galit na pinapakita nya. Narinig ko naman ang pag labas ni Nick sa kotse nya at ang pag tawag nya sa pangalan ni Prixon. Damn it! Napakagat na lang ako sa labi ko. Galit na bumaling sakanya si Prixon naramdaman ko ang pag higpit ng hawak nya sakin. Ramdam ko din na parang may tumutusok sa kamay ko dahil sa higpit ng pag kakahawak nya.

“Wala kaming ginagawang masama ni Wincess. May pinag usapan-”

“Shut up!” mariing sabi ni Prixon “I don't need your explanation! You're not Wincess!”

Hindi ko na nagawang mag react. Pumihit agad si Prixon para talikuran sya. Pasimple naman akong tumingin kay Nick para mag sorry sakanya through my expression at mukhang gets naman nya yon dahil sa matipid na ngiting isinagot nya sakin. Padabog na binuksan ni Prixon ang pintuan ng kotse nya na nakaparada lang pala sa di kalayuan doon. Kusa naman akong pumasok at naupo sa kotse nya. Pinag masdan ko ang pag pasok nya sa driver's seat. Wala syang imik pero bakas pa din sa mukha nya ang galit.

“Wear your seatbelt” cold nyang sabi

“P-Prix-”

Pinigil ko ang pag hinga ng lumapit sya sakin para ayusin ang seatbelt ko. Namuo agad ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ba ang mas okay? yung magalit syang bigla kahit wala namang sense yung kinakagalit nya o yung alam kong may karapatan naman syang mag tanong o magalit sakin pero wala naman syang kibo? Walangya! Pinipiga ngayon ang puso. Hindi ko na kaya to! Huminga muna ako ng malalim bago ako mag salita.

“A-are you mad?” Of course Wincess, he is! ARE YOU STUPID!?

Pinag masdan ko sya para hintayin ang pag sagot nya pero mukhang wala syang balak kausapin ako! Napangiwi ako sa hindi nya pag kibo. Sh*t! He's really mad! Kinagat ko muna ang nanginginig kong labi bago ulit mag salita.

“Maaga bang natapos yung practice nyo? M-may missed call ka kase ng 5:50 pm sakin-”

“Ayokong magalit pero hindi ko mapigilan dahil sa nakita ko”

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi nya. Yon siguro yung sagot nya sa unang tanong ko.

“I-I'm sorry k-kung hindi ko nagawang mag text sayo para ipaalam na nag snacks ako kasama ng banda-”

Halos manginig ang buong sistema ko ng bigla nyang ihinto sa gilid ng kalsada ang sasakyan nya. Hinampas nya ng isang kamay ang manubela. Kaya agad bumagsak ang luha sa mga mata ko at dahan-dahang dumaloy sa pisngi ko.

Lanya! Akala ko ba Wincess boyfriend mo na ko ha!?” Tumaas ang tono nya

Namutla ako sa sinabi nya “Y-yes of course you're my boyfriend” pumiyok ang boses ko

“So, bakit ganon!? Bakit sumama ka sakanila ng walang paalam sakin? Bakit hindi mo ko kinonsider?”

“H-hindi ko na yon naisip. Ka-banda ko sila kaya hindi ko na naisip na mali na sumama ako sakanila for snacks”

My Brother's EnemyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant