Chapter 26 part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ituloy natin ang kasal." sa wakas nasabi na rin niya ito. Halos himatayin si kaba si Emer sa paghihintay ng magiging reaksiyon ni Dennis.

"No way! I don't see my future with you."

Daig pa ni Emer ang sinampal siya ni Dennis ng marinig ang sinabi nito. "Makakaalis ka na, wala na tayong dapat pag-usapan." matigas na sabi ni Emer. Pilit niyang itinatago dito ang tunay na nararamdaman.

Dinampot niya ang intercom para tawagan ang kanyang secretary. "Joy, papuntahin mo dito ang Sir Toffer mo." ngayon niya kailanga ang presensiya ng kaibigan. 

Akmang lalabas na si Dennis ng marinig niya ang instruction ni Emer sa secretary. Agad niyang binalikan ang dalaga. 

"Talaga bang hindi ka makikinig sa akin?!" galit niyang sinugod si Emer.

Kitang kita ni Emer na nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Dennis. "What's your problem this time?" tumayo si Emer sa kinauupuan. At yun ang pagkakamaling ginawa niya dahil walang babalang sinunggaban sya ni Dennis.

Sa simula ay marahas ang mga halik ni Dennis pero unti unti nitong binago ang paraan ng paghalik. Gusto sanang magprotesta ni Emer pero hindi na niya magawa dahil hindi na siya binigyan ng pagkakatao ni Dennis. 

Naipulupot na ni Emer ang mga kamay sa leeg ni Dennis at ginaya na rin niya ang paraan ng paghalik ni Dennis. Nagulat na lang sya ng biglang huminto si Dennis at marahas siyang inilayo nito.

"I'm sure mas magaling akong humalik kay Toffer." nang-uuyam na sabi ni Dennis.  

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Emer. Hiyang hiya sya sa sarili dahil napakadali niyang matangay sa tukso.

"Umalis ka na." sabay turo ni Emer sa pintuan. Nanlaki ang mga nata niya ng makitang nakatayo si Jesica doon.

"Mr. Almonte hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig ang sinabi ng kaibigan ko." matatag na sabi ni Jesica. Tuluyan na itong pumasok at nilapitan ang kaibigan.

Walang lingon likod na nilisan ni Dennis ang opisina ni Emer. Inis na inis sya sa sarili wala sa plano niyang halikan si Emer, dahil sa inis nito sa dalaga ay nadala sya ng kanyang emosyon.

"Anong ibig sabihin ng nakita ko?" tanong ni Jesica kay Emer.

"Anong nakita mo?" patay malisyang tanong din ni Emer.

"Ikaw na babae ka,kagabi iyak ka ng iyak dahil pinahiya ka ng lalaking yun. Ngayon naman nakikipaghalikan ka sa kanya. What's the score between you and Dennis?" naguguluhang tanong ni Jesica sa kaibigan bago ibinagsak ang katawan sa couch.

"Jes naguguluahn din ako. Kanina nandito ang Mama niya at ang sabi hindi na daw niya ipagpipilitan na maikasal kami ni Dennis." sinimulan ni Emer ang pagkukuwento.

"Paano na yan?" biglang nag-alala si Jesica sa kanibigan. Alam niya kung gaano kamahal ni Emer ang lokong lalaking yun.

"Ipakikilala na lang daw niya si Vincent?" 

"At sino na naman ang Vincent na yun?" parang kinakabanhang tanong ni Jesica.

"Pamangking siya ng Papa ni Dennis." 

"Is he Vincent Almonte?" this time parang tinatambol sa kaba ang dibdib ni Jesica.

"I think so. Why do you know him?" naintriga naman si Emer sa kaibigan.

Hindi na sinagot ni Jesica ang tanong ng kaibigan, iniba na lamang nito ang usapan. "What's your plan now?" 

"Itutuloy ko pa rin ang kasal."  matatag na sabi ni Emer.

"Loka-loka ka talaga. Mag-ingat ka sa mga magiging desisyon mo baka ikaw ang mahirapan." concern na paalala ni Jesica kay Emer.

"I'll give him the dose of his own medicine and I'll make him fall for me." nanggigil sa inis na sabi ni Emer. Ipapamukha niya kay Dennis lahat ng masasakit na sinabi nito sa kanya.

____________________________________

A.N.

Another UD guys. Dahil sa mga comments ninyo kaya inspired po akong magsulat.

Happy reading ^ ^ Please vote and leave your comments :)

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon