Chapter 22 part 2

Start from the beginning
                                    

"Emerald, anong kalokohan itong ginawa mo?" nanggigigil na tanong ni Dennis. 

"It's your fault iniwan mo ako sa Mama mo and i can't say no to her especially with her condition." sabi ni Emer dito.

"Hwag mong gawing excuse ang sakit ni Mama!." tumayo si Dennis at dinuro si Emer.

"Hey! don't shout at me! nasa loob ka ng pamamahay ko,  kung wala kang malasakit sa Mama mo hwag mo akong igaya sayo." namumula sa galit si Emer. 

"Hindi ako magagalit kung nag-ingat ka lang sana." 

'"Instead of fighting with me mag-isip ka na lang na kung paano natin masosolve ang problem na ito." sabi ni Emer kay Dennis.

Napapailing si Dennis dahil sumasakit ang ulo nya sa mga nangyayari ngayon.

"I really don't know kung ano ang gagawin natin ngayon." nanghihinang ibinagsak ni Dennis ang sarili sa sofa. 

Naawa rin si Emer sa binata ng makita ang balisang hitsura nito. Ngayon nya  narealize na talagang napakahalaga kay Dennis ng kalayaan nito. 

"Para hindi masira ang samahan ninyo ng pamilya mo ako na lang ang uurong sa kasal, I will tell them that I've realized that I don't love you." hinihintay ni Emer kung ano ang magiging reaksiyon ni Dennis. May kirot syang nararamdaman habang sinasabi ito. 

"Sa tingin mo mapapaniwala mo ang parents ko? You don't know them that much." sabi ni Dennis habang minamasahe  ang noo. 

Tahimik lamang si Emer habang pinagmamasdan si ang depress na mukha ni Dennis. 

Pag-angat ng ulo ni Dennis ay tiningnan nya ng matiim si Emer bago muling nagsalita. "I don't have any choice now, magpapakasal tayo. Don't expect na magiging masaya ka sa married life mo." may pinalidad na sabi ni Dennis.

Tiningnan ng masama ni Emer si Dennis bago nagsalita. "Aba! hwag mo akong takutin dahil kung ano ang kaya mong gawin kaya ko rin." 

Nailing lang si Dennis ng marinig ang sinabi ng dalaga. "Sinabi ko na sayo na masama akong magalit Emer, hindi mo pa ako kilala." 


Magsasalita pa sana si Dennis ng biglang bumukas ang pinto. "Tapos na ba kayong nag-usap?" bungad ni Mrs. Almonte. 

"Yes Ma, and I think hindi na ninyo kailangan ang presence ko. Kayo ng dalawa ang mag-usap tungkol sa detalye ng kasal." may pagbabanta ang tinging iniwan ni Dennis kay Emer. 

Agad na lumabas si Dennis dahil parang nasasakal sya ng mga sandaling yun. 

"Tita, actually hindi pa po kami tapos mag-usap ni Dennis susundan ko lang po sya." magalang na paalam ni Emer kay Divina. 

Inabutan ni Emer si Dennis sa living room. "Dennis, hindi pa tayo tapos mag-usap." 

"Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan natin? naiplano mo na ang lahat di ba?" nang-uuyam ang tinig nito.

"What do you mean?" nakakunot ang noo ni Emer.

Nilapitan ni Dennis si Emer at hinawakan ng mahigpit sa balikat. "Hindi mo naiinttidihan? or talagang ayaw mong intindihin?" 

"Nasasaktan ako Dennis." pilit na kumakawala ni Emer sa pagkakahawak ni Dennis. 

Hindi pumayag ni Dennis na makawala sa pagkakahawak nya si Emer. "Hindi ka nakontento sa nakuha mong 20 million sa akin at talagang gusto mong makihati sa kayamanan ng pamilya namin." Matapos magsalita si Dennis ay halos pabalya niyang binitiwan si Emer. 

Nagulat si Emer sa narinig mula kay Dennis hindi nya inaasahan na ganun pala ang iniisip nito tungkol sa kanya. Handa syang patunayan dito na hindi sya intresado sa kayamanan ng mga Almonte. 

Kakaibang sakit na naman ang nararamdaman ni Emer. Naiinis sya sa sarili kung bakit wala syang nararamdamang pagtutol sa kasal na gusto ng Mama ni Dennis. 

_____________________

A.N.

Pasensya po ngayon lang nakapag UD. 

Please leave your vote and comments :) 

Playful HeartWhere stories live. Discover now