Chapter 21 part 2

Start from the beginning
                                    

"Sa garden na lang ninyo ihanda." sabi ni Emer.

"Tita, sa garden po tayo magkwentuhan habang hindi pa masyadong matindi ang sikat ng araw." nakangiting inalalayan ni Emer ang matanda.

"Emer, I want to talk to you tungkol sa inyo ni Dennis." simula ni Mrs. Almonte ng makaupo ito ng komportable.

Tumango lang si Emer at parang alam na nya kung ano ang ibig sabihin nito.

"Gusto kong maikasal na kayo ng anak ko para hindi na ako nag-aalala." 

"Actually napag-usapan na po namin ni Dennis yan,  we wanted to surprise you." napakagat ng labi si Emer habang nagsasalita. Alam niyang baka kasuklaman sya ni Dennis kapag nalaman nito ang pinag-uusapan nila ngayon.

Nanlaki ang mga mata ng matanda ng marinig ang sinabi ni Emer. "Really? you made me this old woman very happy." inabot nito ang kamay ni Emer at pinisil.

Hindi alam ni Emer kung paano magrereact, kinakabahan sya para sa paghaharap nila ni Dennis. "Tita,  may request lang po sana ako."

"Anything hija and before that I want to call me Mama form now on." hindi pa rin nabubura ang ngiti nito.

Nakita ni Emer kung gaano kaligaya ang mama ni Dennis kaya para sa kanya ay tama ang naging desisyon. 

"I want a simple wedding po sana yung tayo tayo lang at ilang mga kaibigan ko." kinakabahan si Emer na baka hindi pumayag ang matanda.

"Hija, bakit naman? you deserve a grand wedding." nagtatakang tanong ni Mrs. Almonte.

"I still have a problem with my family especially with my dad, I am very much sure na hindi pa po ako papayagan ni Papa na mag-asawa." pagpapaliwanag ni Emer, ayaw na niyang idetalye dito kung ano man ang naging problema nya sa mga magulang.

"You mean hindi kami makakapamanhikan?" napakunot ng noo ang matanda.

Tumango na lang si Emer. Ngayon nya nakikita ang naging consequences ng ginawa niya.

"I think your family will understand you hija, alam ko naman na nagmamahalan kayo ng anak ko."

"Gusto ko po sana ayusin ko muna ang problema namin ni Papa, sana po maintindihan ninyo ako." pilit na humihingi ng paunawa si Emer sa matanda.

Napabuntonghininga na lang si Mrs. Almonte. "Okay, kung yan ang gusto mo. Napag-usapan na ba ninyo ni Dennis ang tungkol diyan?"

"Kakausapin ko po sya tungkol dito, sana po tulungan ninyo akong magpaliwanag sa kanya." 

Nakangiting tumango si Mrs. Almonte. "Of course anak, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil mapapanatag na ang kalooban ko."

Napangiti si Emer ng sumang ayon sa kanya ang matanda. "May isa pa po akong request, sana po walang press sa kasal namin. Baka po kapag nalaman ng Papa ito baka lalong hindi na niya ako mapatawad."

Tumango na naman ang matanda bilang pagsang ayon sa kanya."Kayo ang ikakasal kaya kayo ang masusunod." nakangiti na itong nakatingin kay Emer. 

Nabawasan ang pag-aalala ni Emer dahil alam niyang nasa panig niya ang Mama ni Dennis.

____________________

Habang si Dennis ay busy na pinag aaralan ang ilang mga documents para sa gagawing expansion ng company nila Singapore, wala siyang kaalam alam na may malaking sorpresa ang naghihintay sa kanya.

Hindi niya inaasahan ang tawag mula kay Gabriel ng araw na yun. "Dude napatawag ka? How's Althea?" 

"My wife forced me to call you, bakit wala ka sa opening ng boutique ni Emer? We were there kaya nagtataka lang si Althea."  simula ni Gabriel.

"I was trapped in a meeting that day kaya hindi na ako nakadaan." paliwanag ni Dennis sa kaibigan.

"Kumusta naman kayo ni Emer?" hindi pa rin kontento si Gabriel sa sagot ni Dennis.

"We're doing fine dude." sinabayan pa ng tawa ni Dennis. 

"Okay, ingatan mo sya dahil ang asawa ko ang makakalaban mo." tinapos na ni Gabriel ang tawag dahil alam niya ring busy ang kaibigan.

Pagkababang pagkababa nya ng kanyang cellphone ay nagring na naman ulit ito. 

"Mama, how was your breakfast with Emer?" masiglang bungad ni Dennis.

"Hijo, I am very happy hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Anong oras ka pupunta dito?" 

"Before lunch nandyan na ako, just enjoy her company." 

Hindi alam ni Dennis kung bakit bigla siyang kinabahan. Napansin niyang kakaiba ang tinig ng Mama niya habang kausap ito sa telepono, umaasa sya na walang ginawa si Emer na hindi niya magugustuhan.

________________________

A.N.

Enjoy reading guys ^ ^

Thank you sa votes and comments, sana patuloy ninyong suportahan ang kwento nina Dennis at Emer :)

Playful HeartWhere stories live. Discover now