Chapter 21 part 1

Bắt đầu từ đầu
                                    

Talagang masasakal nya si Dennis, hindi nito sinabi sa kanya na sila pala ang pupunta. Dali-daling kinuha ni Emer ang cordless phone at nagdiretso sya sa garden. 

Nakailang ring na rin bago may sumagot sa kanya sa kabilang linya. Pagkarinig sa boses ni Dennis ay agad nya itong sinumbutan.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na darating ang mga magulang mo dito?" simula ni Emer.

"It's not my fault, I was calling you yesterday but you're not answering your phone." kalmadong sagot ni Dennis.

"I was in the meeting the whole day, I'm too busy to attend your call. Sana man lang nag send ka ng message to inform me." pilit na pinapakalma ni Emer ang sarili, ayaw nyang sigawan si Dennis this time.

"If you were busy ganun din ako, kaya I forgot to send you a message. But don't worry may mga pinapunta akong kasambahay dyan para may makatulong si Manang Salud." paliwanag ni Dennis. 

Napabuntong hininga na lang si Emer wala naman na syang magagawa kundi ang hintayin ang mga ito.  "Anong oras kayo darating?"

"Si Mama baka parating na dyan. May emergency meeting lang kami ng Papa kaya susunod na lang kami."

"Sana sumabay na lang sa inyo ang Mama mo, baka mainip sya dito."  

"Hindi papayag yun, nung isang araw ka pa nya gustong makita. Parang ikaw nga ang anak mas excited pa syang makita ka kaysa sa akin." natatawang sabi ni Dennis.

"Don't tell me pinagseselosan mo ako?" nakangiting tanong ni Emer.

"Hindi ko rin alam kung bakit gustong gusto ka ng Mama. Bahala ka na muna sa kanya. She'll be there any minute from now. Emer be careful kay Mama for sure kukulitin ka na naman nun about sa atin." bilin ni Dennis bago ibinaba ang telepono.

Napabuntong hininga na naman si Emer ng maibaba ang telepono. Mula ng makausap nya si Jesica ang kanyang kaibigan ay pinag-isipan nyang mabuti ang gagawin nyang desisyon. 

Tumayo na sya sa kinauupuan para tingnan kung ano ang hinandang breakfast nina Manang Salud, alam nyang dito na kakain ng almusal si Mrs. Alomonte.

"Manang, ano po ang hinanda nyong breakfast? baka dito po mag-almusal si Tita Divina." tanong ni Emer ng makapasok sya sa dining room.

"Ang pinahanda ni Sir Dennis ay ang paborito mong almusal, tapa at daing na pusit. May gusto ka pang idagdag?" mabilis na sagot ni Manang Salud.

"Okay lang ba itong breakfast natin kay Tita Divina?" tanong ni Emer sa isa sa mga kasambahay ng mga Almonte.

"Naku ma'am hwag po kayong mag-alala kay Donya Divina hindi po mapili sa pagkain yun." nakangiti ito habang nagsasalita kay Emer.

Nakahinga ng maluwag si Emer ng marinig ang sinabi nito.  

"Manang tawagin na lang po ninyo ako, kapag dumating na si Tita Divina, may aayusin lang ako sa study room." bilin ni Emer.

Aakyat pa lamang sya ay may narinig na syang busina sa may gate. 

"Nandyan na po si Donya Divina." nagmamadaling pumunta sa may gate ang isa sa mga katulong.

Hinanda ni Emer ang pinakamatamis nyang ngiti para sa Mama ni Dennis. Ngayon na mangyayari ang kintatakutan ni Dennis, matagal nya itong pinag-isipan at lalo nyang nabuo ang plano ng malaman nyang kinalolokohan pa rin Dennis si Michelle. 

Nasaktan sya ng malaman ang bagay na yun kaya naman agad na syang nakapagdesisyon. Hindi nya rin maintindihan ang sarili kung bakit sya masyadong apektado pagdating sa pambabae ni Dennis.

_________

A.N.

Pasensya na po medyo matagal ang UD, masyado lang pong busy sa work. Babawi po ako sa inyo ^ ^

Maraming salamat sa patuloy na sumusuporta sa Playful Heart.

Playful HeartNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ