C4-A #32: Confessions

940 18 3
                                    

"The one you seek revenge upon shall be taken immediately to Hell." Ai Enma, Jigokou Shoujo

----------------------------------------------x

PRECIOUS'

HINDI KO NA alam ang gagawin ko. Andami ng namatay. Sa loob ng isang gabi, nabawasan na naman kami. Nang bilangin ko ang lahat ay laking gulat ko nang malamang labing-pito na lang kaming nasa loob ng classroom. Mula sa 24 ay naging labing-pito na lang kami.

May pumatay kay Raffy. Pinatay ni Chris si Ely at si Bee. Bumukas ang mga ilaw at tumambad din sa amin ang patay na na sila Kathryn, Miriam, Carlo, at Joyce. Maging si Mr. Mizaki ay nawawala. Pinatay na rin kaya siya? O siya mismo ang pumatay sa mga kaklase namin? Imposible.

"Si Mr. Mizaki! Nasaan siya? Nasaan ang demonyong iyon?!" sigaw ni Yanna. Nagwawala siya habang nasa harap ng walang buhay na katawan ni Kathryn. Pilit siyang pinapakalma ng ilan.

"Yanna. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Si Mr. Mizaki ang papatay sa kanila? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hindi niya iyon magagawa!" sigaw din naman ni Mille na yakap-yakap ni Jiro. Napansin kong nakatingin naman sa kanila si Bernice. Hahaha, bitch.

"Paano ka naman nakakasiguro na hindi siya ang isa sa killer?!" sigaw ulit ni Yanna.

"Paano ka rin nakakasigurado na isa siya sa killer, ha?! Walang alam dito si Mr. Mizaki! Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari dahil simula pa lang, inilihim na natin ang lahat. Ngayon niya lang nalaman ang totoo, bobo ka ba?! At ngayong nalaman na niya, maaaring..," biglang napaupo si Mille na yakap pa rin ni Jiro. Bigla itong umiyak. "Maaaring isinama na rin siya ni Ace sa impyerno."

"Ano bang nangyayari? Naguguluhan na ko!" sigaw ni Bernice na nagsimula na ring umiyak. Bakas sa mukha niya ang pagtataka at pagkagulo.

Nagulat na lang kami nang biglang tumawa si Paula. "Talaga, Bernice? Talaga?! Totoo ba yang iyak mo?! Tangina mong babae ka eh! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Naghihiganti ka!" nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Teka lang, Paula! Hindi naman tamang pagbintangan mo siya. Wala rin siyang alam dito," sabat ni Remo na siyang ikinagulat ko. Bakit niya ipinagtatanggol ang babaeng yun?

Nakatanga lang kaming lahat dito habang lumalalim ang gabi. Nasa loob lamang kami ng classroom kasama ang bangkay ng mga patay na kaklase namin. Hindi ba nila balak linisin ang lahat? Nag-aaway-away pa.

"Bakit mo siya ipinagtatanggol, Remo? Nalimutan mo na ba ang lahat ng ginawa niya?" tugon ni Shy.

"Shy," bumababa ang boses ni Remo nang lingunin niya si Shy. "Hinding-hindi ko nakakalimutan ang lahat ng ginawa niya. Natatandaan ko pa ang lahat. Pero Shy, naniniwala ako na wala siyang alam dito. Alam kong kahit gusto niyang maghiganti sa atin dahil sa pagkakatanggal niya sa section, hindi niya magagawang pumatay."

"Tama si Remo. . ."

Nagulat kami sa nagsalita. Hindi rin namin inaasahan na ipagtatanggol niya si Bernice.

"Jiro?" nagtatakang tanong din ni Shy.

"Tama si Remo, Shy. Walang alam si Bernice dito. Sa ating lahat siya lang ang inosente—"

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now