Special Chapter: Mille Castellano

846 14 0
                                    

"Leave the past in the past.."

--------------------------------------------x

Kung titingnan mo, mga ordinaryong estudyante lang kami..

Nag-aasaran ..

Nagtatawanan ..

.. at kung minsan ay nagkakatampuhan.

Ngunit sa kabila ng imahe namin na ito ay may mga nakakubling misteryo at mga sikreto.

Mga sikreto na hindi dapat malaman ng iba, dahil kung hindi ...

ISASAMA KA NAMIN SA IMPYERNO.

Kami ang dating Class 3-A ng Seihoudo High na pasaway, maiingay, magulo, na akala mo ay mga hari at reyna sa mundo. Pili lang sa amin ang tahimik, mabait, anghel, at hindi makabasag-pinggan pero matitino rin naman kami-matino kapag may kaharap na iba. Dahil iyon ang totoo, masama kami. Marami na kaming nasaktan at NAPATAY.

Hindi alam ng lahat ang nangyayari.

Hindi nila alam ang totoong ugali namin.

Hindi nila napapansin ang totoong kulay namin.

Walang nakakapansin, dahil ang alam ng lahat.. may sumpa ang klase namin.

Isang SUMPA, dahil sa lahat ng naging Class 3-A.. kami ang pinakakakaiba. Ngunit noong naging Class 4-A na kami..

.. nagbago ang lahat.

Napansin na kami ng ibang mga tao. Naging sikat kami, nanguna sa lahat. Naging modelo para sa iba, at kinainggitan. Naging kapalit kami ng mga nawalang Class 4-A.

Ngunit hindi talaga namin maiiwasan ang lahat ng nakaraan at ang mga sikretong nakabalot sa klase-ang mga sikretong iniingatan namin.

Nabunyag ang lahat. Nalaman nilang lahat. At naging dahilan iyon para marami ang madamay. Marami ang namatay. Marami ang nawala.

At alam naming kasalanan namin iyon-kasalanan ng mga samahang ginawa namin sa nakaraan.

Sa klase namin, pili lang talaga ang masasabi mong matino. Tulad nila Jiro, Precious, Ashley, Remo, Raymond, Katherine, at Shy. Hindi mo sila kakikitaan ng kahit anong bagay na iisipan mo ng masama. Mga totoo silang tao .. pero sino nga ba ang nakakasigurado doon diba? Baka ang hindi natin alam eh katulad din namin sila. Ewan ko.

Ang nangyaring patayan sa klase namin noong nakaraang taon ay hindi talaga namin naiwasan; ang pagpatay ng grupo ni Yanna kay Jeanilyn, ang pagpatay ng grupo nila Chris kay Rye, ang pagpatay nila Marjoy kay Celine, at ang pagpatay namin Charlene-na lahat ay naging kaibigan namin. Ngunit hindi talaga mawawala sa pagkakaibigan ang inggit, tampuhan, hindi pagkakaintindihan, galit, at alitan. Alam naming sumobra ang nagawa namin, pero ganoon talaga ang buhay-may kailangang mamatay.

Dahil sa pangyayaring iyon, nalaman namin ang kaya naming gawin. Nalaman namin na kaya naming gumawa ng ganoong bagay-na kaya naming pumatay, pumutol ng buhay, at maging katulong ni Kamatayan.

Bumuo kami ng samahan-ang Black Pact. Nagsimula ang lahat sa pagpatak ng dugo namin sa itim na rosas na siyang simbolo ng kamatayan. Isinagawa namin ang lahat sa loob ng Room 306 kung saan iwas ang lahat, kung saan hindi ito binubuksan ng kung sino man dahil pinaniniwalaan itong may mga nakatagong bangkay sa loob nito. Ngunit alam naming lahat na sabi-sabi lang iyon dahil ang totoo, walang ibang laman ang kwarto kundi mga bagay lamang na maaaring makapatay. Hindi namin alam kung bakit may mga ganoong bagay sa kwarto na iyon, pero natuwa na lamang kami dahil maaaring makatulong ang mga iyon sa gagawin naming laro na may misyon.

Ang misyong patunayan na hindi totoo ang isa pang sumpang nakabalot sa section A ng 4th year. Ang sumpang di umano'y pumapatay isa-isa sa mga estudyante kaya tuwing nangyayari ang araw ng pagtatapos ay walang dumadalong Class A.

Upang maisagawa iyon ay kinailangan naming hawakan sila sa kanilang leeg at higpitan nang higpitan hanggang sa mamatay ang mga ito. Dahil kung may sumpa man, kami ang maaaring maharap sa sinasabi nilang sumpa.

Pinatay namin ang mga walang malay na seniors namin. Walang-awa naming isa-isa silang pinaslang. Isa-isa silang namatay. Unti-unting kumalat ang inaakala nilang sumpa dahil nagtagumpay kami.

Ngunit sadyang tuso si Kamatayan dahil hindi niya kami tinulungan. Namatay ang lahat maliban sa isa ... si Ace Arcilla. Nagawa nitong tumakas at lumayo, dahilan para hindi namin matapos ang laro. Wala na kaming nagawa kaya't tinanggap namin ang pagkatalo.

Lumipas ang mga araw at pinagpasyahan naming kalimutan ang lahat. Gumamit kami ng gamot na tuluyang nagbaon sa amin sa limot.

Sa nagawa naming iyon, hindi namin alam na babalik sa amin ang lahat. Na matutulad kami sa mga taong pinatay namin. Karma, sabi nga nila. Dahil ang hindi namin naisip, may mga taong mangungulila, may mga taong masasaktan, may mga taong maghihiganti. Isa na doon si Mr. Jun Mizaki-ang adviser ng dating Class 4-A at naging adviser din namin nang maging Class 4-A din kami.

Ginawa niya ang lahat upang mabalik ang mga buhay na nawala. Naghiganti siya. Ibinalik niya ang lahat ng buhay na iyon sa pamamagitan ng buhay namin. Buhay ang nawala kaya't buhay din ang kapalit.

Ako si Mille Castellano, isa sa Class 4-A ng Seihoudo High.

At ngayon, hindi ko alam kung nasaang lugar kami naroroon sa mga oras na ito. Basta ang alam ko, nasa loob kami ng isang parisukat na bagay. Hindi ordinaryong bagay ito, dahil masyadong nakakapaso dito. Mainit. Maraming apoy. Hindi ko sigurado ito, pero.. ito na ba ang impyerno?

xxx

Thanks for reading! :)

Dedicate to ate Charotera101 kasi siya talaga yung nag-inspire sa'kin na simulan 'to. :) Hello ate, sana nababasa niyo 'to. Ang gwapo ko pa naman. Hehe. :D Credits po pala sa nasa itaas, prologue po iyon ng Class 3-C has a secret, diba? Nihiram ko lang, hehe. :)

~wattyfandude

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now