C4-A #5: Deadly Questions

1.9K 41 9
                                    

“I'm not afraid of death because I don't believe in it. 

It's just getting out of one car, and into another” 

--------------------------------------------x

JIRO's

"Hi Jiro." napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

Si Mille.. siya ang.. ang.. aish, wala!

Tumingin naman sa'kin si Shy at kinindatan ako. Halatang nang-aasar na naman. 

"Ah. H-hello." kinakabahan ako. Ba't ganun? Parang ang bilis ng pagtakbo ng tibok ng kung ano man ang nasa loob ng dibdib ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap sya. Nakangiti siya sa'kin. 

"Ano.. Uhm. Pwede mo ba kong tulungan dun sa seatwork natin? Di ko kasi masyadong maintindihan eh." 

"Okay.. S-sige." 

Hinila nya yung kamay ko papunta sa katabing upuan nya, kung saan ako talagang nakaupo. Lumingon ako sa likod, kila Shy, ngumiti sila nang nakakaloko at nang-belat. Nako. - ,- 

"Eto oh. Jiro.. Pano ba to?" tinuro nya sa'kin yung part ng seatwork na di nya daw maintindihan. Ako naman, nakatingin lang sa cute nyang muka. Nagsasalita sya, at di ko man lang maintindihan ang mga sinasabi nya. Hay.. 

"Huy Jiro!! Hello?" 

Bigla na lang akong nagulat nang nakita kong nasa harap ko na pala sya at winawagayway ang kamay nya. Nakangiti sya.. 

"Ano ka ba? Ba't di ka nakikinig? Haha." 

"A-ay, s-sorry. Hehe.." sh.t, nakakahiya. ( "__ __) "Alin ba ulit yung sinasabi mo?

Tinuro nya ulit yung papel, tapos tinuruan ko sya. Nakakatuwa kasi nagegets naman nya agad. Maya-maya, eh natapos na din kami tapos bumalik na ako sa upuan ko sa tabi nila Shy. 

"Ayiee, nako. Kinikilig ka?" pang-asar na tanong agad ni Remo. 

"Tss. Ewan ko sa inyo." naupo na ko at humarap sa pisara. Tumingin ako sa orasan sa taas nito. Ilang minuto na lang pala malapit na magsimula ang klase. 

Maya-maya rin ay tumunog na ang bell. Nagsipagbalikan na kami sa kanya-kanyang upuan at hinintay si Mr. Mizaki, ang guro namin sa unang klase. (Click the external link to see him. -->)

Dumating din naman agad siya at nagsimula na kaming magklase. 

"Goodmorning po, Mr. Mizaki." masayang bati namin sa kanya. Ngumiti naman siya at pinaupo na kami. 

Nagsimula siyang magsalita at magturo. Nakatingin lang ang lahat sa kanya at masayang-masayang nakikinig kay Sir. 

"Ang astig talaga nya no?" bulong ni Ashley sa'min. 

"Oo nga eh. Akalain mong magiging adviser pa natin sya, ang pinakamagaling na guro sa buong school." sagot naman ni Raymond. 

"Yeah, swerte natin no? Ang bait-bait nya, gwapo pa. Para syang anghel. Haha." saad naman ni Precious na kinikilig-kilig pa. 

"Iniisip ko nga, na sya ang tatay ko eh. Haha. Nako talaga. Sana naging tatay ko sya. Isang mabait, maginoo, hulog ng langit, gwapo, at magaling na tatay." sabi naman ni Shy. 

"Sus. Sinungaling." 

Napatingin kaming anim kay Katherine. Nakatingin lang sya nang matulis kay Mr. Mizaki. 

The Class 4-A of Seihoudo HighHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin