C4-A #11: Anthony Arcilla [part2]

1.4K 30 0
                                    

 "Curiosity killed the cat, but for a while  I know I was a suspect." -Anthony

-------------------------------------------x

 

ANTHONY's


KAKAIBA ANG MGA tingin nila sa'kin. Hindi ko mabasa kung ano ito, parang masama ang tingin nila sa'kin. Matutulis na tingin. Ano bang ginawa ko? May ginawa ba kong mali? 


- - - 


[Back to C4-A #5: Deadly Questions] 



Nagulat ako nang mabasa ko ang lahat ng tanong na pinapasagutan sa amin ni Mr. Mizaki. Nanindig ang mga balahibo at binalot ng takot ang buo kong katawan. 


Mula nang mamatay ang ibang mga kaklase namin, nagkaroon ng takot ang puso ko. Ang mga mata ko, napupuno ng takot na baka ako ang isunod ng taong gumagawa nito sa amin. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko. Nababading na ata ako na pati ang kamatayan ay kinakatakutan ko na. 


"Pre, nasagutan mo na ba lahat?" pabulong kong tanong kay Ivan. Mukhang seryosong-seryoso kasi sya eh. Nakakatawa naman tong taong to. 


"Di pa tol. Mamaya ka na nga, nagsasagot pa tong tao eh." sabi nya sabay takip ng mga tenga nya. Kita mo to, parang bangag. HAHAHA. 


Maya-maya, natapos ko na rin sagutan ang mga katanungan na pinapasagutan namin. Ipinatong ko ito sa desk ko at iniyuko ko ang ulo ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at umidlip sandali. Mamaya ko na lang siguro ito ipapasa. 


"Marjoy and Bryan?" nagising ako bigla nang marinig ko ang boses ni Mr. Mizaki. Naalala ko, may practice nga pala sila ngayon ng para sa pageant nila. 


Bryan.. Si Bryan, patay na. Anong sasabihin namin tungkol dito? 


"Sir? Bakit po?" tanong ni Marjoy at itinaas ang kamay nya. 


"Nasan si Bryan?" 


"P-po? Eeh.." biglang tayo ni Marjoy at lumingon-lingon sa buong klase. Nag-aalangan syang sumagot. Matagal na natahimik ang buong klase at pilit nag-iisip ng posibleng isasagot. 


Nakuha naman agad ni Chris ang atensyon namin nang nagtaas sya ng kamay at sumigaw ng, "Sir, absent po. Family problem." 


"Ah ganun ba? Sge sge. Marjoy, kelangan ka raw para sa last rehearsal ng pageant." 


"Ah okay po." tumayo na si Marjoy at ipinasa ang papel kay Mr. Mizaka. Lumabas na sya at nagpaalam na sa amin.

Bumalik ako sa pagkakayuko ko sa desk at umidlip ulit. Kaso, parang tinatawag ako ng kalikasan. Tsk, bakit ngayon pa? Malas. 


Tumayo ako at nagpaalam kay Mr. Mizaki na magc-CR lang ako saglit. Pinayagan naman nya ako at lumabas na ko sa classroom. Tumakbo ako pababa ng ground floor at nagdiretso sa isa sa mga cubicle. Nang natapos na ko, humarap ako sa malaking salamin na nakadikit sa pader ng CR. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Nakita ko sa mga mata ko ang takot na nasa loob ng dibdib ko. 


Iisa-isahin nya kami. Natatakot ako. Natatakot akong mamatay. 


Pinagmasdan ko ulit ang sarili ko mula sa repleksyon ko sa salamin. May matapang akong itsura, hindi ako dapat na matakot. Dapat kong malaman kung sino sya. Dapat kong matulungan ang mga kaibigan ko. Dapat ko silang iligtas mula sa taong yun. 

The Class 4-A of Seihoudo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon