C4-A #29: June 7, 2012

1.3K 23 5
                                    

"If I told you my secrets, you'd never look at me the same."

---------------------------------------------x

RHOD's

HINDI AKO MAPAKALI simula nang makita namin ang katawan ng presidente ng klase namin na si Suarez. Bumagsak ang katawan niya at laking gulat ko noon nang sa akin pumako ang paningin nito. Alam kong patay na siya nang mga oras na iyon ngunit pakiramdam ko ay may nais siyang iparating sa akin, sa amin.

Sino nga ba ang pumatay sa kanya? Napakalabo. Ano nga ba ang dahilan? Bukod sa tinalikuran na namin ang lahat at kinalimutan, wala na kaming masamang ginagawa ngayon. Sinimulan namin ang panibagong school year na ito na puno ng saya at pag-asa. Pag-asa na wala nang mangyayari pa. Ngunit, bakit naging ganito? Sino ang may kagagawan ng bagay na iyon?

Napaupo ako sa sahig ng kwarto namin ni Burgos at Punzalan dito sa dorm at napadungaw sa bintana kung saan makikita ang mga puno na nagsasayawan dahil sa pag-ihip ng hangin. Malapit na maggabi at iniisip ko na naman ang mangyayari bukas. Hindi ko alam kung bakit ako ganito eh. Sakit ko na ata ang mag-isip ng mga bagay na maaaring mangyari bukas. Tsk, kalokohan naman to. Walang sinuman ang makapagsasabi kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Malay natin. . . baka may magaganap bukas na hindi ko inaasahan. O nino man.

"Ah!" napabuntong-hininga ako. Bukod sa dami ng iniisip ko, may kung ano rin ang gumagalaw dito sa dibdib ko na pilit itong pinakakaba. Natatakot ako, pero hindi ko rin alam kung bakit. Siguro ay dahilan ito ng pagkamatay ni Suarez na hindi pa rin ako tinitigilan. Nakakainis naman, sana ay hindi ko na lang tiningnan ang bangkay niya noon. Sana ay hindi ako nangangamba nang ganito ngayon.

Hindi ko alam. Gusto kong malaman ang dahilan ng pagkamatay niya. Marami na akong naiisip na dahilan, ngunit parang malabo iyon. Isang halimbawa na lang nito ay ang pagiging anak siya ng isang ex-convict na tao. Alam ko iyon, matagal na. Kung iyon ang magiging dahilan, anong rason ng pumatay sa kanya? At sino? Isang tao na nabigyan ng malaking atraso ng tatay niya? Tsh, ang babaw. Wag niya namang idadamay ang isang inosente.

Ngunit. . . inosente nga ba siya? Siya ang may kasalanan kung bakit siya namatay. Siya ang nagsimula ng lahat. Tandang-tanda ko pa . . .

1 year ago.. halos katulad ng saktong petsa kung kailan siya namatay. June 6. Nagsisimula na ang flag ceremony sa gym at hindi ko alam kung bakit niya ako pinatawag at pinapupunta sa rooftop ng magiging building namin. Nagditch ako ng ceremony at sumunod sa sinabi niya. Pumunta ako sa rooftop at laking gulat ko nang makita ko ang ilan sa mga kaklase kong babae— sina Cardenas, Montero, Escote, Lopez, Esteban, Bautista, at si. . .

Bakit siya nandito?

"Teka. . . anong ginagawa niya dito?" takang-takang tanong ko kay Suarez na nakaakbay kay Jean. "Jean.. anong ginagawa mo dito? Bakit mo sila kasama?" tanong ko dito, binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti.

Bigla akong kinabahan. Hindi ito maaari. Bakit niya kasama ang mga ito?

"Jeanilyn. . . gusto mong maglaro?" mapang-asar na tanong ni Montero kay Jean. Tumango lang si Jean dito at muling ngumiti.

May masamang mangyayari ngayon. Nararamdaman ko. Ang grupo nilang ito.. sila ang grupong naniniwala na wala nang dapat mas makahihigit pa sa kanilang kasikatan sa campus. Naiinggit sila kay Jean, matalino ito at sikat na sikat sa campus dahil na rin sa angkin nitong kagandahan. Marami itong kaibigan at marami rin ang naiinggit sa kanya, lalo na ang mga kaklase naming ito.

"Uh.. kailangan na nating bumaba. Kanina pa nagsisimula ang flag ceremony, at malamang ay hinahanap na tayo roon." sabi ko sa kanila ngunit hindi nila ako pinansin. Naghaharutan sila at tanging si Lopez lang ang lumingon sa akin. Nilapitan niya ako at inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga.

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now