C4-A #25: Her Fault

1.2K 20 6
                                    


" Even the death trembles with my presence." —Morthan

-----------------------------------------------x

JIRO's

NAPAYUKO AKO. NAPASABUNOT sa aking buhok at pinipilitang hindi sumigaw. Nandirito pa rin ako sa labas ng AVR at hindi ko alam ang gagawin ko. Tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga tao— mga estudyante at ibang mga teachers. Dumating ang mga police, nilagyan ng police line ang palibot ng room upang sabihin na hindi maaaring pumunta ang ibang mga tao sa lugar na ito, na pinangyarihan ng isang krimen. Ingay. Sigurado akong napanood ng buong campus ang mga nangyari, ngunit pinagpipilitan pa rin ng iba ang makita ang totoong nangyari. Habang ang mga securities naman ay nakapalibot lang sa lugar na ito at pinipigilang makapasok ang mga eatudyante. Naramdaman kong may lumapit sa akin kaya't napatingala ako at nakita si Shy.

"Ano'ng gagawin natin, Shy? Hindi ko na ata kaya." sabi ko dito. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at saka siya umupo sa tabi ko. Napatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay ipinako ang tingin sa loob ng AVR kung saan makikita pa rin ang bangkay ni Jhem at nakasabit na katawan ni Mhai. Maya-maya ay napatingin din ako rito. Puro teachers din ang mga nasa loob, sinusuri naman ng mga police ang lugar. Nasa loob din halos lahat ng kaklase ko, tanging 4-A lang. Hindi maipinta sa kanilang mga mukha ang lungkot. Ang iba'y kinakausap ng mga teachers tungkol sa nangyari, pero mukang ayaw nilang magsalita dahil nakikita ko na puro iling lang ang ginagawa nila bilang sagot.

"Aah!" napagulo ng buhok si Shy. "Maski ako, kami, hindi na rin namin kaya. Pero Jiro, wag mong solohin ang problema. Kung hindi mo na kaya, ipaubaya mo na sa iba. Sama-sama naman tayong haharap dito diba? Haharapin natin ang problema nang sama-sama. Ipinangako natin yan, ng klase. Jiro, nandito lang kami. Problema ng isa, problema ng lahat, hindi ba? Wag kang magpaka-superhero."

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Tama siya. . . hindi naman ako superhero para pasanin lahat ng problema ng klase ko. Isa lang naman akong ordinaryong estudyante. Ni wala nga akong posisyon sa klase eh. Pero. . . alam ko sa sarili ko na kailangan ko pa ring kumilos. Kailangan kong iligtas ang lahat dahil mga kaibigan ko sila. Kailangan nila ako, dahil alam ko ang lahat. Marami akong alam.

"Jiro. Wala kang alam. Kilala kita." napatingin ako sa taong nagsalita, si Katherine pala. Nakatingin lang siya sa akin at suot pa rin niya ang usual na ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko alam kung paano niya nasabi ang bagay na iyon. Paano nga ba? Nabasa niya ba ang nasa isip ko? Kilala niya nga ako, dahil matagal ko na siyang kaibigan. Maaring ako nga ata ang hindi nakakakilala sa kanya. Masyado siyang malihim.

"Ano na nga palang gagawin natin?" biglang tanong ni Shy. "Ano na'ng sasabihin natin sa kanila? Paniguradong napanood ng lahat ang nangyari, kaya't magtatanong na sila tungkol doon. Magiging usapan na ang klase natin, Jiro. Kakalat ang insidenteng iyon at panigurado. . . matatakot na sila at lalayuan na nila tayo——"

"Tama na, Shy!" napatakip ako ng tenga ko. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin! Ayoko na!" inis na sabi ko.

Wala na akong maisip na paraan para dito. Mangyayari na ang kinatatakutan ng klase. Ang katakutan kami dahil sa mga nangyayaring patayan. . . Lalayuan na kami. Bulong-bulongan pa rin kami ngunit, masasamang bagay na ang pag-uusapan nila tingkol sa amin. Mga negatibo. Kakalat sa buong campus. At anong sasabihin namin sa oras na tanungin na kami? Sasabihin ba namin ang totoo? Pero. . . hindi maaari, dahil alam namin na kapag may makaalam na may pumapatay sa amin. . .may mangyayari. Masyadong mapanganib. . .
- - -

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now