C4-A #17: Vir Tertius Mortiam Dat

1.6K 28 2
                                    

"If you've judge the book by its cover, you might miss an amazing and the true story."

--------------------------------------------------------x

SOMEONE's

NAIBA ANG PLANO. Ngayong gabi.. may matatanggal sa kanila. Mababawasan na naman ang klase ng 4-A. Isang napakagandang kabanata na naman ang madadagdag sa kasaysayan.

Kinuha ko ang marker na may pulang panulat at lumapit sa pader kung saan nakadikit ang larawan ng 4-A. Hinanap ko agad ang mukha niya at nang makita ko ito ay itinapat ko agad sa kanyang mukha ang marker at minarkahan ng ekis ito. Alam ko.. Siguradong akong nagawa niya ang pinag-utos ko sa kanya.

Paalam Anthony..

Napangiti na lang dahil sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

Biglang nagbukas ang pintuan na nagbigay ng isang malaking liwanag na galing sa labas ng kwartong ito. Nasilaw nito ang mga mata ko kaya't napatakip ako ng aking mga mata. Maya-maya rin ay nawala ang liwanag at nalaman ko na lang na bigla nang nagsara ang pinto. Nakita ko syang nakatayo sa harap ng saradong pinto. Suot niya ang maskarang puti at nakikita ko na nakatingin ang mga mata niya sa mga mata ko. Nginitian ko sya..

"Nagawa ko na." matipid na sabi niya saka pumunta sa puting upuan na nasa gitnang bahagi ng kwartong ito katabi ang isang puting mesa. Umupo siya rito at hinubad ang maskara saka ipinatong sa ibabaw ng mesa katabi ng mga itim na rosas na nakapatong din dito.

"Anong pakiramdam?" tanong ko sa kanya.

Napayuko siya. Narinig kong nagngitngit siya. "Wala. Wala. WALA! HINDI KO DAPAT GINAWA YUN SA KAPATID KO!!" sigaw niya habang ang ulo nya ay nasa pagitan ng kanyang mga hita at pilit na sinasabunutan ang sarili. "BAKIT KO BA GINAWA YUN?!! BAKIT KO YUN GINAWA SA KAPATID KO?!! ANTHONY!! P-patawad.."

Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya. Patawad. PATAWAD?!! Nagbibiro ba sya? Bakit siya umiiyak nang ganyan? Muka syang tanga. Napakatanga.

"Humihina ka na ba? Hindi ka dapat humingi ng tawad. Sila, ang mga tao, ang mga taong gumawa ng masama sa iyo.. sa iyong mga kaibigan.. Sila ang dapat na humingi ng tawad, at hindi ikaw. Kasalanan nila ang lahat. Magmamakaawa sila sa iyo pagdating ng panahon." napangisi ako sa mga sinabi ko. Lumapit ako sa kanya at itinapat ang mga labi ko sa tenga niya saka bumulong. "Tama lang ang ginawa mo. Unti-unti ka nang nakakapaghiganti. Hindi ka dapat maawa sa kanila. Kinuha nila ang mga bagay na mahalaga sayo.. Tandaan mo, ang lahat ng bagay na kinukuha ay may kabayaran. Naniningil lang tayo."

Pagkatapos kong sabihin ang lahat ng iyon ay lumayo na ako sa kanya. Lumapit ako sa likod na bahagi ng kwartong ito. Muli kong nakita ang mga masasayang ngiti sa mga labi nila. Masasayang ekspresyon. Bumabalik ang lahat ng pangyayari sa nakaraan ngunit kailangan ko itong labanan. Ayoko na.. Ayyoko nang maalala pa ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan.. ang mga nangyayari ngayon.

"Tama ka.. Wala nang dapat na kaawaan ngayon. Hindi kasalanan ang pagpatay, diba? Tinutulungan lang natin si Kamatayan sa kanyang trabaho. Wala nang mga santo ngayon, lahat sila ay mga demonyo." tumayo siya sa upuang kinauupuan niya at naglabas ng patalim mula sa bulsa ng itim na jacket niya. Humarap siya sa isang dingding kung saan nakadikit ang mga larawan ng 4-A at ibinato ang patalim sa mga ito na parang may inaasinta siyang dart board. Nang tumama ito sa dingding ay agad na may timaang isang larawan.

Nakita kong ngumisi siya na biglan namang nagpakulo ng dugo ko.

"Hindi maaari." agad kong sabi.

"Ha? Bakit? Anong hindi maaari?" tanong niya na halatang naguguluhan sa mga sinabi ko.

Ngumiti ako. Isang ngiti na nagsasabing may mangyayaring ikakasaya niya.

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now