C4-A #10: Locker

1.7K 39 2
                                    

"I don't know. I don't know if I can help them. But I promise, I will help."  -Anthony

------------------------------------------------x

JIRO's

"Ano bang nangyari sa'yo kanina?" bulong sa'kin ni Shy. 

Nagsimula na ang pangalawang klase, at nagsasalita na ang guro namin. 

Ano nga bang nangyari kanina? Ano bang klaseng panaginip yun? Napakawirdo. Isang bangungot ang nangyari kanina. Malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang lahat. Hindi sana mangyari ang mga yun. 

"Wala. Nanaginip lang ako." bulong ko sa kanya. 

Maya-maya, natapos na ang pangalawang klase at lumabas na ang guro namin. Nagsipaglabasan na rin ang mga iba kong kaklase upang bumili ng makakain. Naglakad ako sa corridor habang nasa loob ng mga bulsa ng pantalon ko ang dalawa kong kamay. Tumayo ako sa corridor at tinanaw ang open field ng school. 

Bigla kong naalala ang lahat ng mga napanaginipan ko. Puno ng dugo ang buong classroom, nagkalat sa buong paligid. Lahat ng kaklase ko ay wala ng malay. Lahat sila ay walang buhay. Punung-puno sila ng dugo. Ang mga mukha nila ay nagmamakaawa. Lahat sila ay naghahangad ng hustisya. Si Mr. Mizaki.. Hiniwa-hiwa ang katawan. 

"Kamusta ka Jiro? Ayos ba? BWAHAHAHA!" 

Ang boses na yun. Ang lalaking nasa likod ng lahat ng ito. Sino ba talaga sya? Napakasama nya. Sobrang sama. Pano nya nagagawa ang lahat ng to sa'min kung ganung malapit naman sya sa buong klase? Ano ba ang dahilan ng taong yun? 

Biglang sumakit ang ulo ko sa kakaisip sa mga napanaginipan ko. Napahawak ako sa ulo ko, at muntikan nang matumba sa sahig. 

"Jiro, ayos ka lang?" napatingin ako sa taong nagsalita sa likod ko. 

Si Anthony.. 

Muli, naalala ko ang mga nangyari sa panaginip ko. Nakita ko siya nun na walang buhay kasama ng iba pa naming kaklase. Napaisip ako.. Kung kasama sya sa mga pinatay.. Edi imposibleng mangyari na sya ang killer. Imposibleng sya ang gumagawa ng lahat. Kitang-kita ng dalawang mata ko na nakaupo sya sa upuang yun at nakatali, puro dugo at walang buhay. Pero pano ang mga ebidensya na nakita ko sa kanya? Pano yun maipapaliwanag?

"Yo. Ayos ka lang?" nawala ang lahat ng iniisip ko nang magsalita ulit si Anthony. Tumango na lang ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa buong field. 

"Sge bro." tinapik nya ang balikat ko at pumasok na sa classroom. 

Lumiwanag ang lahat ng nasa utak ko at pinagpasyahan kong kalimutan na lang ang lahat ng nasa panaginip ko. Siguro nga masyado lang akong napaparanoid sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw at nagkakaroon ako ng mga masasamang panaginip na tulad nun. Mas mabuting tanggalin ko na lang sa isipan yun. 

Nagring na ang bell para sa unang klase pagkatapos ng breaktime. Isa-isa nang napasok ang mga kaklase ko sa classroom, samantalang ako ay nandito pa rin sa corridor. 

"Jiro, ba't di ka pa napasok?" 

Nagpantig ang tenga ko sa boses na narinig ko. Humarap ako at nakitang papalabas ng pinto si Mille. 

"Wala lang. Di pa naman nadating ang teacher natin eh." 

"Ah ganun ba? Sige." tapos naglakad siya sa hallway sa may bandang likuran ng labas ng classroom namin. 

"Oh, saan ka pupunta?" 

"Uhm, dito lang sa may locker. Aayusin ko lang yung akin, matagal-matagal na din kasing di nagagamit yun eh. Ikaw ba? Di mo pa aayusin yung iyo? Baka mamaya ay binabahayan na yun ng mga insekto. Haha." 

The Class 4-A of Seihoudo HighWhere stories live. Discover now