C4-A #27: Revelation

1.2K 23 12
                                    

"If you were given a chance to get the book with the story of life, would you read the end? Which we already know that death awaits us."

----------------------------------------------x

 

ACE's

NASAAN NA BA sila? Kanina pa ako naghihintay dito eh. Napakatagal naman ng dalawang iyon. Bakit pa kasi niya naisipang nang ipaalam sa lahat? Napatuso niya.

Pero ang 4-A.. Sigurado ba silang sasabihin nila sa taong iyon ang lahat? Kung ganoon ay dapat na maghanda sila. Mas malaking problema ang ginagawa nila. Tsk tsk tsk.

Nahiga ako sa sofa na nasa loob ng kwartong ito at tinitigan ang dalawa kong kamay na may mga natuyong mga dugo. Napangiti ako. Nakakapanibago, kung dati ay kamay nila ang may dugo.. ngayon naman ay ako na ang mayroon. Madaling bumaligtad ang mundo. Napunta ako ngayon sa itaas nila at sila na ngayon ang nasa ibaba. Hindi ko pa rin talaga inakala na mangyayari ito. Na isa na ako sa kumokontrol ng buhay nila.

Masyado kasi silang mga mahihina eh. Oo, alam kong malakas sila. Pero mahina sila kumpara sa akin dahil mas malakas ako kaysa sa kanila. Ang nangyari kay Mhai? Madali lang naming nagawa iyon dahil dalawa kaming nasa loob ng AVR. Hindi man lang nila kami napansin. Na kanina pa kami nagmamasid. Bwahahahaha.

Tumayo na ako sa sofa at inilibot ang paningin sa buong kwartong ito. Naglakad ako at nagpunta ako sa isa sa apat na pader nitong kwarto. Nakadikit sa pader na ito ang isang lumang class picture.. ng klase ko. Ang mga kaklase ko... Isang taon na ang nakakalipas mula nang kunan iyang litratong iyan, isang taon ko na rin silang hindi nakikita. Isang taon na rin ang nakakalipas mula nang mangyari ang bagay na iyon. Naiinis ako. Naiinis ako sa mga taong pumalit sa amin ngayon. Mga wala silang kasing sama. Mga demonyo.

Hindi nila alam ang lahat ng ginawa nila. Kinalimutan nilang lahat! At hanggang ngayon, kailangan pa rin namin ng hustisya. Dahil kulang pa ang hustisyang nakukuha ko. Kailangan mapunan ang lahat. Kailangan ko silang ipaghiganti.

Isinusumpa ko.. magiging masaya muli ako balang-araw.

- - -

JIRO's

Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang magsimulang magtanong nang magtanong si Mr. Mizaki. Pero wala man lang sumasagot sa amin. Hindi pa kami handa. Tila tumitiklop ang aming mga dila sa oras na ibinubuka namin ang aming mga bibig.

"Sir Mizaki.." napatingin kaming lahat nang biglang tumayo si Kathryn. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon, anong balak niyang gawin? Nakayuko lang siya. "Sa tingin ko po.. kailangan niyo nang malaman ang lahat."

"Kathryn, hindi pwede..." narinig ko ang mahinang pagkakasabing iyon ni Mille. Ngunit hindi lang ito pinansin ni Kathryn kundi bigla pa itong tumingin nang diretso kay Sir.

"Dapat na niyang malaman to." seryosong sabi pa niya. "Sir.. may pumapatay po sa amin. Iniisa-isa niya kami, sir. Tulungan niyo po kami. Marami sila. Pinapatay niya ang mga kaklase namin."

Hindi ko alam ang dapat na mararamdaman ko ngayong oras na ito. Ano nga ba? Wala na. Nasabi na ni Kathryn ang nangyayari. May narinig akong nagbuntong-hininga. Sino kaya siya? Pakiramdam ko.. isa siya sa killers.

Binalewala ko na lang iyon at napatingin kay Sir. Wala siyang reaksyon. Blangko.

"Matagal na ba itong nangyayari?" muli, nanatili kaming tahimik. Naupo na si Kathryn sa upuan niya. "Kung ganoon ay bakit hindi niyo sinasabi sa akin? Asan na ang mga kaklase niyo? Sila Ella, Cindie, Aldrin, Rhod, Marjoy, Bryan, Abby, Anthony, at si Kathy? Nasaan na sila? Kaya ba halos hindi na sila pumapasok sa klase dahil.. Patay na rin ba ang mga iyon? Pinatay din ba sila tulad ng ginawa nila kila Jhem at Mhai? Sumagot kayo."

The Class 4-A of Seihoudo HighΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα